Friday, February 17, 2006

HaLLowEEn ba i2?!

birthday ko kahapon! at dahil birthday ko kahapon nanood ang mga cousins ko sa gig ko last feb 15. kasama si mama ching at si pwet. ayus diba? buong baranggay kasama ko hehehehe... me tagapalakpak ako.
tapos nun dire diretso na kami... kofi tambay sa starbucks... gang 3am..(minus mama ching at pwet na to ha!) tapos bumili kami ng konting san mig... tapos uwi sa bahay namin. naglaro kami ng pinoy henyo at charades (tama ba spelling?) gang 5am.... walang tulugan ito... hehehehe
mga 5 something... madilim pa naman napagtripan na naming matulog..... katabi ko si biot... tapos ung isang pinsan ko na babae na itago na lang natin sa pangalang G e nasa tabi ng window natulog. ung si solmeyt... umuwi sa bahay ng boypren nya....
so un nga.... tulugan na ito.... ng bigla na lang si G... ginigising na ako....
G: ate! ate! natatakot ako! gumising ka! me manananggal sa me bintana mo!
shet. manananggal daw ito. bangon ako. tingen sa relos ko. 5:30am.
sam: teka teka ha. isipin natin maige ha... (sabay tingen sa bintana ko..) kung manananggal yan.... sa tingen mo mag oovertime pa talga sya e ilang minuto na lang sisikat na ang araw? d kaya mashado naman syang workaholic nun?!! haler!..
G: e ate... nakita ko ung pakpak nya promise! saka humangin ung kurtina mo e.... ayoko na dito! biot palit tau ng kama! tatabi na ko ke ate!
si biot dedma lang... tama nga ata ung ginawa nya e... nde na pinatulan ang imahinasyon ng isang lasing? hehehe
sam: e.... madaling araw na nga eh! papano mangyayari un? (sabay tingen sa bintana ulet. wala talga ako ma aninag na pak pak e! swear!)
G: hmm... oo nga no.... teka ha....
at tumayo sha mula sa kama ko papuntang bintana...binuksan ito at ... sumilip.....
G: me tao na pala sa labas e....
silip pa ulet..... me nadinig kaming pumagaspas na pakpak?
G: ampotah ate manok pala iyon!
nyahahahahaha! at dun na naudlot ang mahimbing na sana naming pagtulog.... sakit sa ulo talga.... shet na manananggal na manok na yun... hehehehe
happy birthday to me! :P

Tuesday, February 14, 2006

haaaaay... ang aga ko naman today. first to log in at the office... malamang first to log out din mamaya. inaantok pa nga ako e.. kaso kelangang pangatawanan ang sinabing "pede po bang 8 to 5 ako bukas sa valentines day?"
nope hindi po ito dahil sa me date ako mamaya. naman no! sumabay pa ba ako? pero let's say im just going to serenade some of the lovers out there tonight kaya nag paalam akong maaga sana pumasok para maagang maka alis.
yup, me gig later. mall tour ito! nyahahahaha... iniisip ko nga ano ano kaya ang mga klase ng creatures ang makikita ko mamaya sa simpleng mall na un? haaay sana kind sila to animals hehehehe... wala kasi si aswang. solo ko mamaya. naman naman naman! d ko pa naman ugaling chikahin ang audience, diba friedwater?
what to talk about in between songs? any suggestions? sige na nga wag na baka kung ano pa ma suggest nyo jan e hehehe...
good luck to me na lang. sana hindi sila mabore mamaya...

Monday, February 06, 2006

im baaaaaaaaaackkk!!!!

last friday, i sort of went back to doing what i love to do best! singing! namiss ko kaya sobra! =)
tingin ko.... balik banda nanaman ako. up to when? d ko pa alam ulet. bahala na si batman... balik pagod at puyat nanaman.... but at least i can make people smile even for just awhile...
me bloopers nga ako e. first set ba naman namin... nasa stage na ko.... nakatapat na sa spot light... saka lang napansin ng pinsan kong bading na hinde pantay ang blush on ko! bwahahahahaha... kahet kailan talga ako.. number one sa bloopers! nyahahahaha.... dami pa naman gwapo sana sa harapan na table malapit sa stage.... tsk tsk tsk kala ko kaya sila nangiti kasi sa ganda ng boses ko un pala ngaun naiisip ko baka dahil sa hindi ko pantay na blush on!..... bwiset!.... d ko talga maipagpilitan.... hehehehe... pag d ka talga mashadong sanay mag ayus... o sige na nga... pag d ka talga marunong mag ayos! hehehehe.... laging palpak... :D
ok lang... dedma na lang ako :P siempre nung 2nd set inayos ko na ung blush on ko...
o basta yun lang. kwento lang ulit! im baaaack! =)