Thursday, May 17, 2007

saNa

kung minsan, alam mo, ang dami kong gustong taguan at takbuhan.(wala ako utang ha hehehe) kung pwede lang wag na kong magsalita at kung pwede lang minsan mag isa na lang ako... para hindi na ako sasagot ng mga tanong.. o hindi ko na kailangan magpaliwanag kung bakit ganito ang mga nasabi ko at ganito ang nagawa ko o gusto kong gawin. nasasanay na tuloy ako. parang kailangan ko na lang palagi magpaliwanag. wala pa ngang tanong pakiramdam ko inaakusahan na ako. guilty?
alam mo minsan sana palagi ka na lang nanjan. kaso ndi naman sa lahat ng oras lagi mo akong masasalo diba? alam ko dapat talga kaya mo pagtanggol ang sarili mo sa lahat ng pagkakataon dahil wala namang ibang responsable para sa sarili mo kungdi ikaw lang kaya lang minsan... mahirap eh. madali ba para sayo? galing mo naman! uwi ka na nga. ako kasi TH. pero sana ndi obyus na TH lang ako.
wala nang sense mga sinasabi ko no? dapat siguro umuwi na ako. shet. wala na si melinda sa american idol.. sad story. wala lang. wala na kong ma ending dito eh. usap na lang ulit tayo. kahit wala lang.

Monday, May 07, 2007

wentong walang wenta

nagbablog ka lang pagka may bago sayo diba? o kaya may kwento ka? o kaya naman feel mo lang mag share ng kung ano anong something na me kinalaman sa buhay mo ... well... walang bago sa akin. actually super bored na nga ako. kahit sa bago kong work alammo ba wala pa kong isang taon mejo nababato na ako. siguro kasi patapos na ang project ko. nagsisimula pa lang ata someday ung susunod kong project. so right now im bored. siguro din kasi factor yung naghihintay ako ke prenship ngayon. me miting kasi sha e. tapos imimit namin si ht after. magkwekwentuhan. at least sana sila may kwento diba?

alam mo last thursday may nag audition sa dannys grill. hanep sa ganda ng boses nung babae. na insecure na ko kumanta after... nahiya na ba... ganda talga ng boses parang si nina e. tapos mejo cute ung taga beat box nila kaso totoy pa siempre diba abuso naman ako kung ika kras ko pa sha... so d bale na lang. pero pwede rin hehehehe.. kras lang naman.

kung minsan may namimiss ako pero ndi ko na dinadaan sa blog o so kung ano pang tienes.... hindi ko na lang iniisip. pagka tumatanda ka pala minsan nakakasanayan mo na din ang merong namimiss... tapos wala na lang... saka minsan kasi sinusuwerte ka pa din... madaming pagkakataong dumadating para hindi mo na sha mashadong mamiss... ang saya diba?

o oks na ba tong kwento na to? diba improving ako at least once a month me blog ako. haaaay... un lang.! =)