Sunday, November 05, 2006

kamusta ako?


Kamusta na daw ako… hmmmm.. im good. Kumakanta pa din. Hindi lang makapagsulat ng matino e papano andito ako sa netopia at ewan ko ba kung paranoid lang ako pero feeling ko lang binabasa o pinapanood ang mga sinusulat at ginagawa ko. Nakakainis pala talga ang ganon ano? Bigay ko kaya sa kanya ang blogsite ko? Sa tingin mo? Wag na. malamang paranoid lang ako. So asan na nga ba ako>? Ayun! Kumakanta pa rin ako. Minsan alam mo trips ko nang magresign… (hano? Nanaman???) e wala lang teka sa pagkanta ha! Hindi sa bago kong job hehehehe… e kasi naman napapagod na ako. Pero nde ko pa rin ginagawa kasi hindi ko pa sigurado sa sarili ko kung ayaw ko ba talga kasi AYAW KO NA NGA for life or baka gusto ko lang ng bakasyon… let’s say 1 month? Heheheh kaso magpapasko na…. baka dumami nanaman ang gigs. Wala nga si aswang ngaun e alam mo ba yun? 1 week pa kong mag iisa. Nood ka naman minsan ha! Pero saka na pag anjan na si aswang. Sasabihin ko dito ang lugar na kinakantahan naming hehehehe. Wag muna ngaun kasi baka mabore ka lang. ako nga minsan nabobore sa sarili ko sa stage minsan ata nakakatulugan ko na or! Nalilimutan ko na kumakanta pala ako sa stage! Hehehehe
Me kwento pa pala ako. Alam mo ba me isang type of audience na ayaw ako… minsan nga parang pag nakita ko request nila gusto ko sabihin sa kanila “Nanaman???? Oo na d na ko magaling! Fine!” ok ok mag explain ako. Minsan kasi me natataon na audience sa akin yung tipong tinetest kung gaano ako ka versatile or kagaling na singer? Yung pag tipong.. ok fine maganda boses mo sige nga ito nga kantahin mo! Tapos bibirahan ka ng mga request na makatanggal tulili sa tenga or kaya naman para kang nag jogging dahil sa kakapusin ka sa tipo ng kantang nirerequest nila. Ok fine bakit ko to nasabi.. nde naman kaya assuming lang ako diba? O sige aminado ako assuming ako pero ganito… me kasama silang someone na nakijam na maganda ang boses. So ibig sabihin bilib sila sa kasama nila… sa akin hindi.. kelangan ko pang makapasa ng test nila.
E kaso… nde naman naming pyesa yung mga yun. Saka sa totoo lang hindi ko naman kayang kantahin ang mga yun. Kaya sige na OO na. nde ako magaling. :D wala lang na share ko lang ….
Miss ko na mga blogsites nyong lahat. Loser kasi sa internet ang company ko. Biruin mo ha IT company na wala nanamang internet bwahahahahaha
Anyways… yun lang ulet.

2 Comments:

Blogger n said...

i can relate! loser din sa internet company ko! akalain mo nga naman noh! ako rin IT company e. tapos wala man lang internet! grabe diba.. pwede ba naman yun??? the nerve to hire IT people in an IT dept diba? tsk tsk..

hmmm.. ay teka.. same company nga pala tayo naka-assign noh! hahaha. wala lang. nakikidaan lang po :P

4:34 AM  
Blogger duke said...

ey sam, i'm blogging again. :) drop by .

12:13 AM  

Post a Comment

<< Home