Monday, April 10, 2006

gifted creature

sori sori at wala akong makwento. sige kahit ano na lang. kwento ko na lang ung gifted creature (sarcasm ito ha.masungit ako e.) na nakilala ko last week. si aswang kasi nagpadispatch sa austin texas. april 24 pa daw ang balik nya. so natural lahat ng gigs namin ako lang ang singer. e nitong april 8, fortunately na invite kami to sing sa reception nang isang kasal. napanood kami nung couple sa isang gig namin sa me pasay road. nagustuhan tandem namin ni aswang.... kaya nung biglang aalis sya because of work.... hayun nagka problema kami.
dito pumasok sa buhay namin si gifted creature. sya ang papalit ke aswang... sana. vocalist saka taga beatbox.
sinubukan namin sya nung gig namin sa me cubao. hala..... d ko maramdaman ang presence nya. at nung kumanta..... ammm... wag na lang kaya. miss ko si aswang bigla.
so nagkaron kami ng praktis... wednesday before nung april 8 wedding.

e d un na nga. sya unang pinraktis. sa tagal naming magkakasama nina aswang at yob... 2nd time naming magpraktis..... at dahil pa sa kanya.

pagdating sa mataas... nawawala talga sya sa tono e. alam ko bad ako pero naiinis talga ako. pakiramdam ko sasakitan ako ng ulo nung nakikinig ako sa kanya. wala akong choice kungdi makinig. ang tahimik nung place. talgang for praktis e.
alam mo un? meron namang wala sa tono na ok lang pakinggan. i mean u dont mind. pero merong sintonado na naku naman.... sasakitan ka ng ulo at pakiramdam mo mag nonose bleed ka na. yun. sya un! gusto ko na sabihing ayoko na. uuwi na lang ako. pero siempre nanahimik na lang ako.

siguro napansin ni gifted creature ang pagka tahimik namin ni yob so sabi nya...

gc: pasensya na kau ha? d talga ako sanay sa acoustic e. maige pang mag acapella na lang ako....
me: (thinking...) naku po josko! salamat po ng marami at d sya mag aacapella!

at later.... nung d nya masundan ang pag gitara ni yob...

gc: bakit kaya ganun no? iba talga yung pag gitara. nde ko talga masundan...
me: (thinking....) e ano nga ba kaibahan? haler! r u drugs? halos gayang gaya na nga ni yob ung instrumental ng mga kanta natin e bakit d mo makuha????

at finally nung huli.... pakiramdam ko wala ng pag asa talga.... sabi nya..

gc: aaay d pala ako sure sa sabado kasi baka padala ako sa subic ng ofis e...
me: (thinking.... singing..... bwahahahahha) HALELUYA!!!

tapos sabi ko agad...

me: yob teks mo na si *** para sya na lang mag beatbox. ako na lang kakanta nung ibang pang guy.... tono mo na lang sa pang babae....

so yun.... nung april 8 siempre hapi ending hehehehe.....

walang kwenta no? ito pa lang talga. boring talga ng life e. bored na bored n ko promise.

d pa ko makapagbakasyon biruin mo naman black saturday me kanta kami huhuhuhu..... sino naman ang manonood sa amin nun????

me mrt ba nun?

friedwater, cat, atticus, rudyman, floyd, doc duke ....kape tau! sige na pag nagplano kayo sama ako hehehehe
un lang po.

6 Comments:

Blogger the caterpillar said...

hahaha. with the way na dinescribe mo yung pagka tone deaf nya, feeling ko tuloy siguro mas magaling akong kumanta dun. hehehe... ays, ayoko palang kumanta in your presence kasi baka ako yung next na okrayin mo dito sa blog mo... pero okay lang, at least alam ko agad na mapa-a capella o acoustic man, may tendency talaga akong mawala sa tono kasi ganun ako. si gifted creature mo ay ______. alam mo na, so di ko na sasabihin. hehehe.

4:21 AM  
Blogger atticus said...

hala, sige. pag nagparamdam si doc duke at friedwater, maliligo tayo ng kape. tapos beer. tapos kape ulit. hehe.

pero plis, huwag mo akong pakakantahin. kasi iyong boses ko, pang-torture sa mga suspek na al qaeda. kahit hindi sila terorista, aamin sila tumahimik lang ako.

smile naman diyan and everything.

10:22 AM  
Blogger HeidigurL said...

gc? sino syaaa??? nakita ko na ba? ayos! baka naman pogi eh... carry na! ÜÜÜ

4:47 PM  
Blogger sam said...

cat:
huy huy d naman po ganun! pwede ka namang kumanta in my presence nyahahaha.... wag lang talga mayabang hehehe... at me mga comment pang ganun ... yung tipong parang d ka pa aware na wala ka na sa tono???

atticus:
ok lang maligo ng kape at beer! tara na dali!... pag lasing ka na dun kita papakantahin bwahahahaha!

hdi:
guuuurl! wag kang maingay! sikretong malupet ito! nyahahaha baka makarating ke gc e hehehehe... d sya gwapo. d nya carry ever! promise!

7:12 PM  
Blogger sam said...

friedwater: pwede bang iteks na lang??? kakahiya isulat sa blog maraming makakabasa e no! pag nagkita kits na lang saka ko enumerate! nax parang ang dami e no? hehehe

12:45 AM  
Blogger rudyman said...

hehe gifted creature maganda ang palayaw. puede natin siyang i cover ng solo baka kumita pa tayo ...sa guiness o ripleys. wehe. ok lng yan boring naman tlga pag semana santa. ako nga penitensiya muna sa yosi ng one week. wehe chill lng

12:18 AM  

Post a Comment

<< Home