Monday, May 07, 2007

wentong walang wenta

nagbablog ka lang pagka may bago sayo diba? o kaya may kwento ka? o kaya naman feel mo lang mag share ng kung ano anong something na me kinalaman sa buhay mo ... well... walang bago sa akin. actually super bored na nga ako. kahit sa bago kong work alammo ba wala pa kong isang taon mejo nababato na ako. siguro kasi patapos na ang project ko. nagsisimula pa lang ata someday ung susunod kong project. so right now im bored. siguro din kasi factor yung naghihintay ako ke prenship ngayon. me miting kasi sha e. tapos imimit namin si ht after. magkwekwentuhan. at least sana sila may kwento diba?

alam mo last thursday may nag audition sa dannys grill. hanep sa ganda ng boses nung babae. na insecure na ko kumanta after... nahiya na ba... ganda talga ng boses parang si nina e. tapos mejo cute ung taga beat box nila kaso totoy pa siempre diba abuso naman ako kung ika kras ko pa sha... so d bale na lang. pero pwede rin hehehehe.. kras lang naman.

kung minsan may namimiss ako pero ndi ko na dinadaan sa blog o so kung ano pang tienes.... hindi ko na lang iniisip. pagka tumatanda ka pala minsan nakakasanayan mo na din ang merong namimiss... tapos wala na lang... saka minsan kasi sinusuwerte ka pa din... madaming pagkakataong dumadating para hindi mo na sha mashadong mamiss... ang saya diba?

o oks na ba tong kwento na to? diba improving ako at least once a month me blog ako. haaaay... un lang.! =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home