sEnTi lang
ilang araw na lang, hindi na kita makikita. dahilan nga ba ito para maging masungit ako at mag lungkot lungkotan?
ilang araw na lang, hindi ko na makikita ang ngiti mo. e ano ba? dati pa naman. hindi na kita nakikita. hindi kita madalas nang tignan. para sa kin kasi nag iba ka na. o siguro, malamang ako yung nagbago.
oo, totoo. nakakatuwa pa ring makita pag nde sinasadyang mapagmasdan ko ang mukha mo. oo, totoo. halos himatayin ako kapag me mga pagkakataon noon na kinakausap mo ko. kahit ba "excuse me" lang at "gusto mo?" sabay alok ng kinakain mo, ang mga interactions natin sa araw araw na nilagi ko dito sa opisinang ito. pero un lang, haaaaay... hindi mo maikakaila ang lungkot na marahil dulot mo sa tuwinang maiisip ko kung san ba ko nagkamali at tila ba hindi na tau magkakilala?
so imbes na isipin ka, pinipilit kong hindi na lang. kung dati, napapasaya mo ang boring kong araw... ngaun... hindi ko maiwasang malungkot. hindi ko naman ninais ang imposible. gusto ko lang maging kaibigan mo. maybe its me. something must be wrong with me.
but then again, thank you na rin.
for awhile you made me smile.
ilang araw na lang...
sana bukas kung d na kita makita, d na din ako malulungkot.
2 Comments:
hahaha! wag na! :P
hi sam. thanks for dropping by my blog.
agree ako kay friedwater. go!
Post a Comment
<< Home