Monday, September 26, 2005

masaya ka ba?

sabi nila, ikaw lang ang makapagpapasaya sa sarili mo. hindi ibang tao, hindi bagay, hindi karangyaan o katanyagan, o kahit ano na lang na sinasabi nila jan na mga simpleng bagay bagay lang. kasi nga sa totoo lang. depende sau un.
pero papano na lang kung mismong ikaw hindi mo mapinpoint kung ano o sino ang magpapasaya sau? marahil nasubukan mo nang gawin ang lahat. sumali sa mga organisasyon na sa tingin mo makakabuti sau. binasa lahat ng libro na interesting para sau. inabot ang mga pangarap mo. kinilala yung taong me magandang ngiti..... pero pagkatapos nun. bakit parang kulang pa rin? hindi mo lang alam, pero bakit parang me mga tanong pa rin? at bad trip pa dun madalas hindi mo din alam ang sagot. so para walang diskusyon, kapag tinanong ka kung ok ka ba, masaya ka ba? sagot mo na lang, ok lang ikaw kamusta ka? ibaling mo na lang sa kausap mo ung topic. para hindi na nya mahalata na wala ka naman talgang sasabihing bago tungkol sa buhay mo. kasi parehas lang e. ganun pa rin. minsan isipin mo, kung ano na lang yung meron ka ngaun... siguro yun na yung tinatawag na kaligayahan. so kahit papano, masaya ka na rin siguro. kahit d mo pa sure. yun na lang. pwede na un.

1 Comments:

Blogger chi-square said...

relate ako. would have been grand to find true and lasting happiness. the moment may idea ka, pls let me know. I kinda know some quck fixes para maging masaya...pero panandalian lang talaga, & deep inside its not real happiness.

10:48 PM  

Post a Comment

<< Home