Tuesday, July 05, 2005

sAblaY nanaman....

sinasabi ko na nga ba e. hindi talaga si mk LANG ang dahilan ng mga bloopers ko sa buhay. kung wala pang reyna ang hari ng sablay. ako na yata ang matagal na nyang pinakahihintay o hinahanap o minimithi. matagal ko na ata itong alam. matagal nang nagpapahiwatig sa akin ang panahon... ayaw ko lang talga aminin. hindi ko lang matanggap. gaya ng sabi ni mister sungit, blooper girl talga ako kahit kailan.
kagabi kasi.. me audition kami nina aswang. jan lang sa me makati. 8pm sharp daw so kelangan mga 7pm andun na ko sa miting place namin. so sabi ko ok lang maaga pa nga ako e. nagtext pa ko ke aswang, mga 610pm.
"papunta na ako jan. ang aga ko pa. d bale mag iikot ikot na lang ako."
so sakay ako ng jeep, papuntang landmark. tapos maglalakad na lang ako papuntang mrt station.
habang naglalakad napansin ko mejo parang lumuluwag na ata yung suot kong sandals. naisip ko siyet ano ito mapipigtal? nde naman siguro. so lakad ever ako at mejo nagmamadali na rin kasi ayaw kong ma - late e. maya maya pa heto ka na! napigtal yung sandals ko sa kaliwang paa!!! siyeeeeeeeeeeeeeeeeet!!! OMG!
pinagtitinginan na ko ng mga creatures sa paligid. nakakahiya na ata ako. ni hindi ko magawang tumungo para ayusin yung sira kong sandals kasi baka ma obyus nila ang problema ko. (d na rin naman ma aayos eh) so siempre dedma ever. poker face. huwag pakita na nagpapanic.
who to call??? miss taray muna...
naman. naman! ring lang ng ring! ano ba itech!? miss taray pick up!!! (nax! napa inggles pa ako nyan partida na! hehehe) huwaaaaaa! ayaw talga ako pansinin! cge cge si mister sungit na lang...
hayun! sumagot! haaay salamat to the rescue ang aking friends.
pinuntahan nila ako kung san ako itinakda ng panahon na masiraan ng sandals at tumayo na as if nagbibigay ng posters and print ads sa mga passers by. naisip ko nga siyet.. sana pala nanghingi na ko dun sa nadaanan kong tagabigay ng posters para natulungan ko pa sya tutal tatayo na rin lang pala ako ng ilang minuto. hehehe
tapos habang binibilan ako ni miss taray ng bagong sandals... ay sinamahan akong tumayo habang pinagtatawanan at binansagang blooper girl ni mister sungit. maya maya pa.. napigtal na din ang kanang sandals ko... :( lalo akong pinagtawanan ni mister sungit. sa susunod daw, wag na daw kasi ako magsusuot ng lumang sandals. nakita ko lang kasi yun sa kaila ilaliman ng baol ko. akala ko kasi me tibay akong maasahan sa kanya. haaay....
so ayun... mga 715 na ako nakadating sa miting place namin ni aswang.
hindi naman kami na late sa audition.
walang jolly lolo sa audience. nakakamiss nga sya e.
huli na ring bloopers yung sandals para sa gabing yun. buti na lang. isipin mo na lang kung sa kalagitnaan ng nowhere-near-my-friends napigtal yun sandals ko, san na ko pupulutin??!!
malamang, nakayapak na naglalakad. hehehehe...

8 Comments:

Blogger Mang Dencio said...

"ako ang reyna ng sablay, ako ang reyna ng sablay"
hehehehehehee

at ang kanta ko sa yo kagabi...
"mang kulas, pabili nga ng tsinelas, upod na gasgas, baka mapigtas tong luma kong tsinelas, tong luma kong tsinelas" (replace tsinelas with sandals na lang)

sabi mo ipopost mo ang pix ng sandals mong suot kagabi... hehehehehehe...

9:33 PM  
Blogger sam said...

bwahahahaha! wag na nakakahiya! sa atin na lang yun! hehehe

9:57 PM  
Blogger sam said...

mukha mo tsutsugamushi! :p

11:26 PM  
Blogger Mang Dencio said...

ehehehehehe tawa ako ng tawa kagabi... inisip ko nga iwan tong si sam eh... hihihihihihihhihi...

teka sam... kulang ang characters sa kwento mo... :D

11:43 PM  
Blogger sam said...

sino ang kulang??!! yung me stalker mo na friend? :P

11:47 PM  
Blogger the caterpillar said...

mwahahaha... nakakatawa nga nangyari sa 'yo.

5:20 AM  
Blogger three said...

kawawa naman hahhahahaha

BYUUUUUTIIIIPUUULLLLLL!!!

9:24 PM  
Blogger sam said...

byutipul ka jan 3! :p

6:24 PM  

Post a Comment

<< Home