kwento101
kagabi.....
"haaaaay... 8:30 na wala pa rin sila." siempre pa naiinip na ako. mainiping bata kasi ako. siguro 5 mins pa lang akong nag iintay feeling ko tinutubuan na ako ng ugat sa paa at maya maya pa'y magkaka bunga na ko ng mangga (bakit mangga? wala lang fav. kong prutas yun e.)
after like mga 10 years nagteks na si aswang... andun na daw sila ako raw ay magpakita na. e di appear na ang lola sabay sakay sa car to go to a place kung san ay magpapanggap kaming magagaling at mahuhusay na artists!
maya maya pa at dumating na kami sa destinasyon soempre pa baba na ko sa car.. unang banat ni aswang sa akin e yung suot ko... siempre with a smile lang ang sagot ko... "cge neks time" tapos dedma na.
eto na.. gig na..
audiences:
1. "jolly" lolo
laging naka smile, at lahat na ata ng kinanta namin e ang koment nya lagi ay "byuuuuuuutipul!". nag totono lang ng gitara si yob e naka "byuuuuuuutipuul!" na sya agad. kahit nde namin makanta ang lahat ng requested song nya e nakasmile pa din sya. o diba naman jolly itech?
2. ang aking sumpa.
oo alam ko hindi lahat ng nilalang ay biniyayaan ng diyos ng kakayahang umawit. at oo alam ko dapat kung sakaling im one of the chosen pipol e dapat humbel ka lang. ganun naman ako e. promise! except ung kagabi. me exception na ko ngaun. siguro naman alam mo ding merong exception to the rule palagi at nakilala ko na ata sya kagabi.
hindi sya nakakatuwang pakinggan. parang hanggang ngaun nga eh nadidinig ko pa ang boses nya... kungdi ba naman sumpa sa akin ito ewan ko na lang! biruin mo sya na nga tong tinuturuan para nde sya magmukang tokeneng sa stage e ayaw ba naman makinig. nagmistulang videoke na nga ako dun.. tinuturo ko na ang tyempo pero wala! ika nga ni friend siguro nga style nya un. off beat. para maiba naman. haaay.
3. "broken hearted" girlaloo
ibang iba ang itsura nya kagabi kesa sa huli ko syang nakita. pa girl sya kagabi. todo make up. naka miniskirt at naka tube. winner. tapos makikijam daw sya ulet sa amin. habang naghahanap ng song nya e bigla na lang nya binanggit sa akin na "anjan ang ex ko" with matching "i-dunno_expression" on her face. d ko kasi maipinta e kung like o nde nya like ang fact na si ex ay nasa paligid lang ng bar na yun... nagpaparamdam. (parang multo no? hehehe) tapos eto na.. nung last song na me i dedicate na sya... "this song is dedicated to someone.. you know who you are.." sabaya kanta ng .. "kailangan ko'y ikaw..." ayuuuus! so diba.... saka ko lang naisip baka nga like nya na nasa paligid lang si ex nagpaparamdam. wala lang.
4. the "favorites"
favorite kasi simple lang sila. :) at nakikinig sila sa amin. wala akong maramdamang kahit anong negative vibes sa kanila. alam ko lang na appreciate nila ang pagperform namin. ok na din. siempre si jolly lolo fav ko na rin ata hehehe... ikaw ba naman sabihan lagi ng "byuuuuutipul!" sa bawat pagkanta mo hehehe
yun lang mga kakaiba sa mga audiences kagabi e. at wala na ko maisip na kwento. inaantok ako ngayon pero kelangan ng magtrabaho.
ang jologs nanaman ng blog ko.... haaaay.....
5 Comments:
panalo ka pala sam e singer ka pala that's BYUUUUUUUTIPUUL!
hahahaha! Sira ka!
BYUUUUUUUTIPULLLLL!!!!!!
sam, san ba gig mo para mapanood ka naman namin. =)
BYUUUUUTIPUL may manonood ng bago BYUUUUUTIPULLLLLL
Post a Comment
<< Home