Friday, June 03, 2005

Litel BIG sIs... nyehehehhe

hindi na mabilang kung ilang beses na kitang kinulit, inasar, niyamot pero dalawang beses pa lang kita napapaiyak ever... kung pede lang maulit kasi ang kyut mo pagka humihikbi ka tapos inaamo ka na... heheheh sadista ba? pero wala naman akong masamang intensyon.. cguro lang kahit anong gawin mo kyut ka pa rin para sa akin. para bagang ikaw yung litel sister na ina asam asam ko. kahit na madalas parang ako yung bunso sa ating dalawa.
kung pede ka lang iuwi sa amin papakilala kita sa nanay ko sasabihin ko ikaw na lang ang long lost sister ko gagawin ko.
kaso pano yan? magkakahiwalay na tau.. haaaay.. lagi na lang e. bakit ganun? sabi ko nang yoko ng goodbyes lagi na lang ako natatapat sa ganun...
ayokong gumising at pumasok sa ofis na nde ikaw ang kukulitin ko at papaiyakin ng slight lang naman. ayokong mag ym ng nde naman kita natatanaw jan sa tabi ko. sino pang ate ko? sino pang papatawanin ko? kung nde na kita makakasama? :(
pero gaya ng maraming cliche sa mundo na nde ko mashadong memrize ang exact words.... ganun talga. hehehehe ang ikli no? un lang ang pinaka madaling sabihin pagka wala ka naman ma advise kasi wala ka naman ibang magagawa. ganun talga e.
hindi ako mawawala kung hindi ka magtatago. hindi din ako magbabago kung hindi ka magbabago. isang tawag mo lang dadating ako kahit gano pa kalayo yan. at number one goal ko pa rin ang paiyakin ka kada aasarin kita... pero actually ang number one goal ko lang ay ang makita kang nakangiti palagi.
mwah! ayoko pa rin ng kiss mong me letter "u" sa unahan.
mamimiss kita. promise.

2 Comments:

Blogger three said...

ito yun pinakikita sa movie na WINDTALKERS. yung getting attach to someone. kasi pagnaattach ka na hirap talga kailangan ng umalis ng tao na yun pero wala naman tayong magagawa dyan e part of buhay yan.

11:17 PM  
Blogger Mang Dencio said...

ba-bye din sa little big sister mo... :-P

2:58 AM  

Post a Comment

<< Home