Tuesday, June 21, 2005

kUnwaRi wOrKahOLic .....

ang lonely namang maging workaholic.... wala pang isang linggo ang halos ot namin gabi gabi ang dami dami ko nang namimiss.

namimiss ko na ang mama ching ko at mga kwento nya sa akin gabi gabi. tuloy pagka nagkita kami parang kulang ang isang araw sa mga pangyayaring gusto nyang ishare sa akin...(kelan nga ba yung huling time na nakita ko sya? hmmm...)

namimiss ko na rin si tabs... saka mga pang aasar nya araw araw.. pambihira pag gising ko naka alis na sya papasok ng eskwela.. pag uwi ko naman tulog na sya... haaaay... nakita na nya kaya ulit ung crush nya sa school?

namimiss ko na rin pagka pinagsasabihan ako ni papang. as usual alam mo na pasaway na nga nangungulit pa lalo. siguro kaya dumadami ang puting buhok nya sa ulo hehehe...

higit sa lahat.. gaya ng lagi kong status sa ym.... "pero miss na miss na miss ko na ang aking kama at ang malupit kong unan.."
haaaay lagi na lang akong inaantok.... sasabihin mo sa akin matulog? e kung pede lang nga e. kaso nagpapakadalubhasa ako sa pagiging workaholic ngaung mga panahong ito..

sabi ni pl pagka umabot kami sa deadline ililibra nya kami. sabi ko naman pagka ok lang ba na nde mo kami ilibre ay papauwiin mo na kami? alam mo kung anong sagot nya? ammm.. ililibre nya daw kami pag natapos namin ang project.... as if wala syang nadinig... haaaay....

buti na lang namove ang gig.... sana... bukas... pwede nang umuwi ng maaga... para hindi ko na mamiss ang lahat ng namimiss ko ngaun...


hindi ko na napapanood si darna....
ang panday kaya umpisa na?

hahahaha telenobela nanaman ito!

sana uwian na!!!!

8 Comments:

Blogger three said...

workaholic?

9:54 PM  
Blogger three said...

BYUUUUUUTIIIIIIPUUUULLLLLLL :P

9:54 PM  
Blogger sam said...

hahahahaha!

kulit mo 3! :p

hoi tsutsugamushi, magtigil ka jan. dko pa napapanood ang batman begins

11:21 PM  
Blogger three said...

pano mo naman mapapanood yun e mas gusto mo telenobela....may darna at panday ka pa wala ka ng talgang time manood nun :P

11:35 PM  
Blogger sam said...

hahahaha!
mayabang ka!
mapapanood ko un nek wik belat!

11:36 PM  
Blogger three said...

bakit wala na bang telenobela next week? :P baka mamiss mo kaw din BYUUUUUUTIIIIPULLLLLL

12:49 AM  
Blogger sam said...

mukha mo! :P

12:50 AM  
Blogger three said...

Selos ata si tsu tsu hahahhaa

7:17 PM  

Post a Comment

<< Home