Thursday, September 08, 2005

kwento102

tagal ng walang blog. hmmm ... wala kasing maisulat e. pulos gig lang most of the time. e wala namang jolly lolo sa mga gig ngaun e. nakakamiss din sya...
minsan, sa mga gig namin merong dumating, nde mo inaasahan. merong kasama. hindi mo rin inaasahan. kung pede mo lang itanong kung bakit at kelan, nagawa ko na marahil, inanounce ko pa sa mikropono kasabay sa pagbati sa mga me birthday pero siempre gaya ng dati sikret lang ito. hindi pede ipaalam. so kanta galore ever na lang ako. saka in the first place nde naman talga ako nagsasalita sa stage. kanta lang ako ng kanta. shy type kamo? hehehe mejo. sabi nga ni mr sunget ilabas ko daw ang kakulitan ko sa stage pero anong magagawa ko? hindi ko naman kakulitan ang mga nanonood sa akin. malay ba nila sa mga pangungulit ko.
********************************
ang dami ng bawal sa kin ngaun. halos lahat pa favorites ko. chocolates, kofi bean, cheese barrel at nachos! OMG! e kasi ubo ako ng ubo sa stage after each song. bawal daw. papano daw ako gagaling sa ubo ko kung matigas ang ulo ko. pero siempre kung matagal ka nang nagbabasa ng blog ko alam mo nang matigas ang ulo ko by nature. so kanina, since alam kong walang gig mamayang gabi.. nag kofi bean ako! huwaw! nakakamiss. nag nachos din ako. yahooo!!! un lang nahuli ako ni aswang. san ka pa? e d smile na lang ako. wala naman syang magagawa e. kagaya nga ng sabi ni spok, mamatay na sa sarap! hahahaha!
*****************************
ilang araw na lang hindi na kita makikita. kahit minsanang sulyap sa mga smiles mo saka sa kind eyes mo hindi ko na magagawa. e kung, papicturan kaya kita sa mga frenli boylet frens ko? hmmmm..... pwede! stalker na ako! 100% hahahaha....
nakakamiss siguro na makita ka pagpasok ko pa lang sa building na to. nakakamiss siguro yung tumitig sa iyo ng hindi mo nahuhuli (hehehe sana...) o kaya naman yung minsanang makausap ka... saka dumaan sa likod mo, sa tabi mo, sa harap mo. makasabay ka sa elevator or sa pababa sa hagdan ng hindi mo namamalayang nasa langit na ako kasi kasabay kita.
siyaks ang daming nakakamiss. siguro.
oh well ganun talga. lahat me ending. malapit na ang ending sa telenobelang ako rin ang me gawa.
*******************************
wala na kong kwento. walang enta din ang blog entry ko ngaun. gusto ko lang magsulat. =)

6 Comments:

Blogger chi-square said...

Hope to watch you soon sa latest gig mo there in Pasay Road. ;-)

10:31 PM  
Blogger sam said...

to friedwater: aah, oo!
to chi-square: cge! :)

11:10 PM  
Blogger duke said...

san ka ba kumakanta? at anong kinakanta mo? at anong banda mo? para panuorin ka namin ni kero kero.

2:42 AM  
Blogger duke said...

oi friedchicken, este friedwater pala, saan? pilit pilit. saan?

5:43 AM  
Blogger three said...

bakit sino aaalis bakit ndi mo na makikita?

san sa pasay road yan? mahusay ba si sam?

8:05 AM  
Blogger sam said...

ehem friedwater sabihin mo nga kung gano ako kahusay! bwahahahahaha! joke lang! :)

3, wala pang aalis. napostpone e. san ka ba galing at parang nawala ka sa blog world? :P

7:29 PM  

Post a Comment

<< Home