Monday, August 08, 2005

si SnoW White at ang cUrlers....

minsan, gusto ko maging wicked witch... na syang magbibigay ng apple sa snow white mo. para naman me pagkakataong ako naman ang tignan mo. ako naman ang ngitian mo. ako naman ang isipin mo.
minsan nga sa sobrang yamot ko sau gusto kitang kulutan. magdadala ako ng curlers para lang sau at sa bwiset ko iseset ko ang buhok mo! nakakainis ka naman. nananadya ka ba talga?
siempre hindi diba? siempre nde mo naman alam na me natatangi akong pag tingin sau. na bumubuo ako ng sarili kong fairy tale kung saan ikaw ang prince charming at ako ang iyong prinsesa.
pero oo, alam ko. magising na kasi ako sa katotohanan. kahit ilang paligo pa ang gawin ko at ilang bote pa ng pabango ang ibuhos ko, iisa lang ang snow white ng buhay mo. at hindi ako yun.
sana lang minsan...
wag mashadong obyus diba? it hurts eh!
pero kung ito lang ang way... para maabot kita. sige na nga. babawiin ko na ang apple. hindi ko na sya bibigyan. alam ko naman... sya lang ang nagpapangiti sau. at oo, hindi bagay sau ang maging kulot kaya sige, hindi na ko magdadala ng curlers.
un lang. naglabas lang ako ng sama ng loob.
and they live happily ever after. the end.

1 Comments:

Blogger three said...

bakit si snow white napagtripan mo ng gamitin na character?

sad nanaman pero ok lang yan lilipas din yan

1:42 AM  

Post a Comment

<< Home