Thursday, April 27, 2006

kwentong senti lang ulit

balita ko pirme ka nang nakasmile. balitang balita ikaw at sya, alam mo un, so close to each other na. nung umpisa, malamang lamang gusto ko ihulog sa riles ng mrt yung prinsesang nagpapangiti sayo pero kapag pinag isipan kong maige... mabuti na rin pala yun. dahil kung masaya ka, mas maraming masaya sa paligid. at kung pinapasaya ka nya, sino b naman ako para hilingin na maglaho na sa mundo ang prinsesang kina iinggitan ko? diba?

hanggang sa muli na lang nating pag kikita. sana ngitian mo na ulit ako... promise kung kasama mo sya, hindi ko sya itutulak sa riles ng mrt hehehe... pagpapray ko na lang yun... (joke lang!)

**********************************************

kanina, i asked a friend kung in love ba sya. hindi daw. tapos tinanong nya din ako. sabi ko hindi din pero marami akong krases, infatuations, doggie loves at kung ano ano pang kalokohan at sakit sa ulong palaisipan sa buhay. pero hindi ako in love. hehehe... sabi ni friend, kung bakit kasi matagal dumating si prince charming ko... aba ewan ko. d lang naman ako ang nilalang na nagtanong nyan.... at kung bakit super late naman ang dating nyan e someday ko na lang malalaman.

tapos sabi nya.... sino daw pipiliin ko. yung mahal ko o mahal ako? sabi nya noon sa sarili nya, yung nagmamahal sa kanya ang pipiliin nya. ngaun nagsisisi sya. d pala nya kaya yun. hindi sya masaya :( sabi ko lang ang wirdo nya. sya lang ata kilala kong ganun ang sagot at ganun ang ginawa. kasi ako, ung taong mahal ko ang pipiliin ko. wala ng tanong tanong. sigurado ako na dun ako sasaya. sabi nya lang wirdo nga sya. hehehehe. tapos i asked her, so pano na nyan? sabi nya lang... hmmm.. e d wala lang.... sabay smile.

so sad. you thought you could be happy with having the second best only to find out in the end that only the best will do. mas maganda pang mag isa ka na lang kesa magpanggap na kaya mong pakibagayan yung taong pinili mong makasama habang buhay....

darating ka na sa point na wish mo na lang palagi.. sana me second chance pa...

oh no! ang drama kooooo!!!! hehehehe o sha tama na ito.... magtatrabaho na ko ulet. nagkwento lang. nagblog lang. bukas ulet.
***********************************

4 Comments:

Blogger the caterpillar said...

hay salamat po at nag-update na siya. at senti pa... can relate daw kunyari si ako. achus.

8:05 AM  
Blogger rudyman said...

uuuuuuuuy. Inlab daw o. uuuuuuuuuuuuy. hehe

7:15 PM  
Blogger onz said...

This comment has been removed by a blog administrator.

9:36 PM  
Blogger onz said...

eh pano naman kung yung taong mahal mo ang maghulog sayo sa MRT?

9:39 PM  

Post a Comment

<< Home