Sunday, August 13, 2006

miSS

miss ko nang mag blog. miss ko na din yung tipong araw araw.. kasama sa seremonyas ko bago magtrabaho ang basahin ang mga kwento ng mga blogmates ko. miss ko na yun. kaso ngayon d ko na magawa. e kasi nga wala naman kaming internet no. iisang pc lang ang binigay ng boss ko na me internet. hati hati na kami dun. ewan ko ba siguro kasi nahalata nya pag me internet kami e magdamagang chat ang inaatupag namin hehehehe....
kumakanta pa rin ako. alam mo nung minsan naka duet ko si raymond bagatsing? wala lang. pinakanta kasi sha nung me ari nung kinantahan namin e. tapos duet daw kami e di sige go... tapos alam mo din ba nung isang araw naman... me nakijam sa amin. babae. ganda boses... akala ko papalitan na ko nina aswang hehehehe.... ok lang din naman.... nakakapagod din minsan magpuyat at maghihiyaw magdamag sa gabi... tapos babangon sa umaga... para magwork sa office.... lagi na nga akong late.... shet.... laki ng bawas ko dahil sa late. lagi akong late....
nung isang araw din nanood si mk sa gig ko. nde ko nga akalain e biruin mo yun! hindi pala sha nanood. nakinig lang... hehehehe... d naman kasi sha natingen sa stage e. pero ayos lang.... alam na siguro kasi nyang ma bloopers ako pagka tumingen sha. saya ng moment na yun... nakita ko ulit ang smile nya! iieww mushy ever, lagi na lang nasisingit pa si mk no? wala lang. masaya lang ulet... =)
tapos.... patuloy pa rin ang quest ko sa paghanap ng ok na trabaho... pumapalpak kasi ako lagi sa interview,.. alam ko namang kaya ko kung bakit pagka tinatanong o ini interview na ko hindi ko mapatunayan sa kanilang kaya ko! HELP! huhuhuhu....
pero meron isa nabola ko ata.... kaso ntay ko pa tawag e... un lang bibigyan ako ng training ng boss ko... me katumbas na contract ang training na un. kumbakit naman kasi yung ini ntay kong company e ke tagal tumawag. follow up ko na lang sa monday no?
ano pa ba kwento ko?...... wala naman mashado... miss ko lang mga old friends ko... miss din kaya nila ako? miss ko na magsulat. miss ko na mangulit. hay lagi na lang ako me namimiss. minsan naman maiba lang no? ako naman ang mamiss.... hehehehe
o sha..... un lang po. =)