Monday, April 06, 2009

caramoan

hi! grabe. sa wakas naalala ko na din ang user at password ko dito sa blog site ko na ito! :D sorry now lang ulet ako magblog... haaay sana alam ko pa magsulat. ehehehe...

im here at the office, straight from caramoan cam sur! sa lugar ng maraming bawal! nyahahaha. bakit kamo? unang una yung place kung san kami nagstay, ang daming bawal:
1. bawal magdala ng alak. bawal uminom ng alak.
2. curfew 10pm ( e highschool days pa last akong me curfew e! even then i dont follow curfews.. tsk tsk tsk)
3. bawal mag ingay 10pm onwards. (isa pa to. napakadaldal kong tao. papano naman un?!)
diba naman parang retreat house?! pagkatapos yung mga island sa caramoan... bawal lahat puntahan! ano ba naman yon diba? yun pa naman ang pinunta namin don tapos kada lapit namin sa mga island pinapaalis kami ng mga bantay don... bakit uli kamo? e kasi nagshushooting daw ang reality tv show na survivor sa mga islands don... baka makita daw kami sa camera. baka madinig daw sa camera yung ingay ng bangka. nak ng boogie diba?! e d sana wag na lang i advertise ang caramoan ngayon, wala naman palang pwedeng puntahan... kainis lang... tapos umulan pa... mukhang bawal magpakita si haring araw nitong weekend na to sa caramoan. sabi sayo e.. ito ang trip ko na maraming bawal.

so ano na lang ang ginawa ko sa caramoan?...
hmmm.. nagboating.. bumyahe, silipin si mayon, manuod ng mga poging foreigner na nagwawakeboarding sa cwc at magfood trip ng walang humpay! the best ang mga food na hinain sa amin nung isa kong kasama. sana me pix no? para mas realistic? kaso wala kong camera! sensha na. basta yun na yun. maniwala ka na lang sa kwento ko ;)

hayun. welcome back to me :P
iwelcome back mo naman ako hehehe.