under the stArs and mOOn.. sa lAbas ng Rockwell mall
kagabi alam mo, kasama ko si solmeyt. nagpasama kasi akong magpagupit sa kanya e. sa isang parlor kami pumunta. kasi ayoko dun sa dati e. feeling ko nde ako ginugupitan ni alex maige e. malamang! trim lang naman pinapagawa ko e! hehehe ang hirap kong iplease no? so dun kami sa isa. ang pangalan ng parlor e rakwel parlor! ayus no? very descriptive. so ayun. wala pang five minutes tapos na ako. tsk tsk tsk ewan ko ba kung ano na ginawa nya sa buhok ko. bahala na. isang diretso lang ginawa nya. sana sa nanay ko na lang ako nagpagupit. libre pa.
so ayun. ayoko pa umuwi e. so niyaya ko sya. nag ikot ikot kami sa labas ng rockwell mall. paikot ikot sa labs ng mall. walang ibang ginawa kungdi mag wentuhan lang. nakita pa nga namin ang kras nya e. sa me tabi ng starbucks. ang guwapo nga. so ayun. mga tatlong beses kaming dumaan dun. tapos, habang naglalakad kami sa labas ng mall. nagkwento sya tungkol sa mga matatandang nilalang sa buhay namin. naiyak nga sya e. tapos parehas kaming naiinis. nalulungkot kasi nakikita namin na yung mga taong importante sa aming dalawa e hindi na marunong magsabi ng i love you sa isat isa. hindi na sila magkaintindihan. d nga namin malaman kung dahil ba ito sa kadahilanang binge na sila o mejo slow na mag isip? hay, mahirap nang magpaintindi. wala kaming magawa.
sabi nya ayaw nyang tumandang ganun. ayaw nya mangyari sa kanya yun. sabi ko lang ako din. naisip ko, sana lagi kong kayang sabihin at ipakita sa mga taong mahal ko na mahal ko sila.
sabi nya ayaw nyang tumandang ganun. na akala mo kuntento ka na sa buhay tapos me isang taong darating, guguluhin nya yung thought na yun tapos hayun. wala ka na magawa. hindi na kau magkaintindihan. hindi mo na masabi ng klaro na mahal mo sya. hindi ka na rin nya pinakikinggan. so sad.
pagkatapos nun. sabi nya manlibre ako ng ice cream. 12 pesos lang daw sa rustans. so sabi ko tara. pagdating dun ayus! 10pesos lang! so bumili kami. tig dalawa kami! hahahaha! ang takaw no? dalawang kofi krumble ang sa akin. fav ko kasi un e. sya naman. isang rocky road at isang kofi krumble. tapos nagpunta kami sa fountain sa tapat ng fully booked. kinain namin ung ice cream habang walang katapusang kwentuhan nanaman. ako naman ang nagwento.
kinuwento ko na mejo ang sad ang araw ko. kasi me mga frens akong sad. nasad din sya para sa akin. saka para sa mga frens ko na nakilala nya lang dahil sa mga kwento ko. pati sya kinuwento ko. sabi pa nga nya... "wala akong K magtampo. i owe him respect kasi he's different." tsk tsk tsk yoko pa nga tanggapin nung una e. kasi sabi ko sa kanya wag ganun. magiging mabait ang labas nya nun e! hehehehe sabi nya lang e sa yun ang totoo e anong magagawa mo? so sad. and yet so fine! so as usual, tama sya. hay, kulit ko talga.
pero kahit sad ang araw ko. unti unti nawawala na. ramdam ko kasi me kasama ako. na ok lang na nde naging ok ang araw ko kasi ganun talga. importante, nde pa kami kagaya nung iba na d na madunong magsabi ng i love you. tapos madunong pa pala kaming mangarap.
dream namin alam mo... someday magdidinner kami sa isang hotel. ung wala lang. nde na kami mashadong maglalakad sa labas lang ng mall kasi parehas kaming walang pera. at nde na lang dalawang ice cream ang pagsasaluhan naming dalawa. =)
dagdag mo pa dun ang dream na darating din ang "the ONE". hehehe if there is such a person.
ang nakakatuwa lalo ke solmeyt alam mo? she never stops dreaming and hoping what's best for me. wala lang.
tapos... naisip ko din. kahit hindi ako mashadong friendly at kahit hindi ako madalas invited sa lahat ng happenings sa pali paligid ko, at least merong solmeyt. =) pede kong yayain pag magpapagupit ako. at gusto kong maglakad lakad ng wala lang. under the stars and moon. sa labas ng rockwell mall. kahit pa me bomb threat.
nagkuwento lang ako. for a change.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home