Saturday, July 09, 2005

KwenTo 102

haaay, ang aga aga pa.... me first blooper of the day na ako. mabuti na lang walang tao dito sa classroom.
alam mo ba naman, ino open ko kasi yung dalawang pc sa harap ko and i didn't notice that i was already sitting at the edge of the chair, nyehehehehe ayun! kung meron mang tao sa likod na aksidenteng nakatingin malamang magtaka sya kung bakit bigla na lang ako nawala sa kina uupuan ko. nahulog kaya ako!!! hehehe... so siempre pa tayo lang ako sabay pinagtawanan ko na lang ang sarili ko para sa inyo. sabay iling, siyet, ano ba ito? ko quota ba ako today ng mga bloopers? hehehehe... wala lang... kwento lang....

Kahit ngayon Lang

sana,
dalhin ng hangin,
kahit minsan lang
ang tinig ko sa kung nasaan ka man ngayon.

hindi ko alam
kung para saan pa
o kung anong dahilan..
pero naisip ko lang,
baka sakali
pag nadinig mo akong muli,
maalala mo kung
gaano tayo kasaya noon...
at kagaya ko,
mapapangiti ka na lang.

sana
kagaya ng mga pelikula
o telenobela sa tv
ay may season 2 din tayo.
kagaya ng lahat,
me second chance pa.

d ko din alam
kung ano meron ngayong araw na ito.
at
ikaw lang ang nasa isip ko,
ikaw lang ang bukang bibig ko.

sana
kahit ngayon lang,
dalhin ng hangin
ang tinig ko
sa kung nasaan ka man ngayon...

maalala mo sana ako.

Friday, July 08, 2005

hello...

teach me. show me how to see you amidst this so called life im going through. its more of a nightmare than a dream for anywhere i look, i dont see you. so tell me, are you there yet? have you reached the things we used to dream and talk about? tell me, are you smiling? :) i miss your smiles and laughter. i miss hugging you tight and kissing you all over your face. i miss smiling just because i saw you. i miss being happy just because you were there, holding my hand, always. i miss you. i know im not supposed to but i do. this day, brought me back to you somehow, as if you never left at all...

Tuesday, July 05, 2005

sAblaY nanaman....

sinasabi ko na nga ba e. hindi talaga si mk LANG ang dahilan ng mga bloopers ko sa buhay. kung wala pang reyna ang hari ng sablay. ako na yata ang matagal na nyang pinakahihintay o hinahanap o minimithi. matagal ko na ata itong alam. matagal nang nagpapahiwatig sa akin ang panahon... ayaw ko lang talga aminin. hindi ko lang matanggap. gaya ng sabi ni mister sungit, blooper girl talga ako kahit kailan.
kagabi kasi.. me audition kami nina aswang. jan lang sa me makati. 8pm sharp daw so kelangan mga 7pm andun na ko sa miting place namin. so sabi ko ok lang maaga pa nga ako e. nagtext pa ko ke aswang, mga 610pm.
"papunta na ako jan. ang aga ko pa. d bale mag iikot ikot na lang ako."
so sakay ako ng jeep, papuntang landmark. tapos maglalakad na lang ako papuntang mrt station.
habang naglalakad napansin ko mejo parang lumuluwag na ata yung suot kong sandals. naisip ko siyet ano ito mapipigtal? nde naman siguro. so lakad ever ako at mejo nagmamadali na rin kasi ayaw kong ma - late e. maya maya pa heto ka na! napigtal yung sandals ko sa kaliwang paa!!! siyeeeeeeeeeeeeeeeeet!!! OMG!
pinagtitinginan na ko ng mga creatures sa paligid. nakakahiya na ata ako. ni hindi ko magawang tumungo para ayusin yung sira kong sandals kasi baka ma obyus nila ang problema ko. (d na rin naman ma aayos eh) so siempre dedma ever. poker face. huwag pakita na nagpapanic.
who to call??? miss taray muna...
naman. naman! ring lang ng ring! ano ba itech!? miss taray pick up!!! (nax! napa inggles pa ako nyan partida na! hehehe) huwaaaaaa! ayaw talga ako pansinin! cge cge si mister sungit na lang...
hayun! sumagot! haaay salamat to the rescue ang aking friends.
pinuntahan nila ako kung san ako itinakda ng panahon na masiraan ng sandals at tumayo na as if nagbibigay ng posters and print ads sa mga passers by. naisip ko nga siyet.. sana pala nanghingi na ko dun sa nadaanan kong tagabigay ng posters para natulungan ko pa sya tutal tatayo na rin lang pala ako ng ilang minuto. hehehe
tapos habang binibilan ako ni miss taray ng bagong sandals... ay sinamahan akong tumayo habang pinagtatawanan at binansagang blooper girl ni mister sungit. maya maya pa.. napigtal na din ang kanang sandals ko... :( lalo akong pinagtawanan ni mister sungit. sa susunod daw, wag na daw kasi ako magsusuot ng lumang sandals. nakita ko lang kasi yun sa kaila ilaliman ng baol ko. akala ko kasi me tibay akong maasahan sa kanya. haaay....
so ayun... mga 715 na ako nakadating sa miting place namin ni aswang.
hindi naman kami na late sa audition.
walang jolly lolo sa audience. nakakamiss nga sya e.
huli na ring bloopers yung sandals para sa gabing yun. buti na lang. isipin mo na lang kung sa kalagitnaan ng nowhere-near-my-friends napigtal yun sandals ko, san na ko pupulutin??!!
malamang, nakayapak na naglalakad. hehehehe...