Tuesday, November 30, 2004

wala lang ulet

hanggang kailan ang mga katulad mo? wala pa akong nakitang namalagi kasi gusto nila. madalas yung iba, nanjan kasi kailangan o d kaya wala lang sila magawa... maaaring nakatali na lang dahil sa pinagkataong magkadugo lang kasi kayo. pero kung saka sakaling hindi... hanggang kailan ka kaya jan sa tabi ko?
hindi din naman ako madalas humiling na sana jan ka na lang palagi. nadala na marahil ako. pinaka ayaw kong maramdaman yung tinatanggihan o d kaya binabalewala o d kaya nama'y hindi sila nakikinig sayo. kadalasan din matigas ang ulo ko. araw lang marahil ang bibilangin... aalis din naman sila. mananawa. tapos, yon. wala na.
kaya, hanggan kailan kaya ang mga katulad mo? ayoko na nga isipin. kung sadyang alam ko na ang sagot. dapat kasi manahimik na lang ako. yun lang, sayang. ayokong mawala ka ng hindi mo man lang nalamang naging mahalaga ka. kilala mo na marahil kung sino ka. at kung hanggang kailan ka man, salamat pa rin.
hindi ko na lang iisipin kung hanggang kailan.

2 Comments:

Blogger mybooo said...

maraming mga taong dumarating sa buhay natin sa maraming kadahilanan, gumabay, tumulong, sumubok, madami pero lahat to may dahilan at lahat ng ito ay dumadating para makita natin ang kulay ng buhay sa mata at pananaw ng iba't ibang klase ng tao.

ang punto ay malaman natin na di tayo pinababayaan ng Lumikha at gumagawa sya ng paraan na iparating sa atin ang kanya mensahe sa iba't ibang taong dumarating sa ating buhay. lumapit ka lang sa Kanya at humingi ng kaliwanagan upang mas maintindihan ang mga mensaheng nais Nyang iparating.

10:32 PM  
Blogger Emmanuel said...

i added you sa links ko po APIR!

11:23 AM  

Post a Comment

<< Home