Thursday, December 02, 2004

pAra kAy mK

ang ganda ng kamay ng taong natatanaw ko kada kukuha ako ng tubig jan sa labas. nadadaanan ko kasi ung isle tapos sa dulo nun ang cubicle nya... kahit kamay lang ang nakikita ko ayos lang. maganda pa rin kasi sabay nito naaalala ko ang ganda ng kanyang ngiti! gosh! baduy no??! pero di nga. siguro naman once in your life naranasan mo ng magka crush ng sobrang mega duper to the max crush! yung sooo high school ang dating e jusme 25+ years old ka na! tapos tipong, ang kaya mo lang e hanggang ilang meters apart mo lang sya makakalapit kasi kapag lumapit pa ng mas malapit, kung ano ano nang bloopers ang nagagawa mo sa sarili mo. hindi ka tuloy magkaron ng ganda points. kahit point five point lang! papano ang eng eng mo pagka malapit na sya. at hello at smile lang ang kaya mong gawin kapag malapit na sya!
gosh may crush ako!
so high school, oo.
baduy din, mejo.
pero masaya, kahit papano.
oo na, me gerplen na sya. e crush lang naman no! nde nga ako maka point five na ganda points e san pa ko nyan???
un lang thankful ako ulet. me mga simpleng bagay pa rin na nagpapangiti sa akin sa araw araw na pagpunta ko dito sa building na ito.
tamo naman, kamay pa lang, nagpapangiti na... pano na lang kung mangitian pa ako!?? kahit isang ngiti lang.. no? =)

1 Comments:

Blogger Mang Dencio said...

so high school!!! hihihihihi

2:23 AM  

Post a Comment

<< Home