Thursday, January 06, 2005

pAra sA pAbOriTO kOng AngHel...

haaay. malungkot sya alam ko. ayaw pa ako kausapin. natatakot din sya. obyus. basa ko sa mga mata nya. kung pede lang pagaanin lahat ng nararamdaman mo gagawin ko. kung pede lang ako na lang ang nasa lugar mo, ilang beses kong hihilingin. kaso kelan ba naman naging pede yung ganun? nakakainis nga e. madalas wala ka na lang magawa. pang nangyari na, sorry ka na lang. wala ng bawian.
kasi naman e kung bakit minsan ang hirap mong makaintindi. sana nga minsan pede ko sabihin lahat lahat sayo ng hindi ka masasaktan. kaso kelangan hindi ganun. kelangan kahit papano hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi mashadong masakit. dapat ngayon, lagi ka na lang nakangiti. ayokong matamlay ka. ayokong walang buhay ang mga magaganda mong mata. ayokong nahihirapan ka. kung bakit kasi pag mga ganitong panahon wala ako magawa.
sorry na, nag inarte ako. babawi na lang ako mamaya. hayaan mo nang ako na lang wag lang ikaw. tutal kaya ko naman e. ikaw alam ko hindi mo na kaya. kaya ako na lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home