Monday, January 03, 2005

love story ito....

sikret lang natin ito ha? wala akong ginagawa ngaun sa trabaho ko. well, lagi naman e. eversince the world began ata. haay, ilang unang araw ng taon at ang dami kong iniiwasan... gusto sanang iwasan pero nde ko magawa. mali. ayaw kong gawin. bakit kamo? matigas ulo ko e. alam ko nang un ang dapat hindi ko pa rin ginagawa. palagi kasi kung san ako masaya suportahan taka ko ang aking sarili... hehehehe kahit pa nga ba minsan iniiwanan na ako sa ere ng ilang tao jan sa tabi tabi. joke lang. walang nang iiwan sa akin. kahit anong gawin kong kagagahan at kalokohan, anjan sila... handang bumatok, handang handang pagalitan ako at sabihin na "sabi na sayo e..."
oo nga eh. sabi ko nga din eh. matigas lang talga kasi ang ulo ko. minsan kasi hindi mo na namamalayan. madalas nagpapadala ka sa sayang nararamdaman mo. sa papaanong paraan mo ba kasi kayang iwasan ang isang bagay na nagpapasaya sayo? kelan pa naging madali ang lahat? wala naman madali e. lahat me catch. lahat me kapalit. lahat me consequences. so kung masaya ka ngayon kahit nde tama... dapat handa kang masaktan pagkatapos kasi yun ang "madalas" na outcome. sorry, reality sucks. too many times proven, haven't thought of otherwise. gaya ng palagi kong sinasabi.. haven't been in a rollercoaster ride... haven't felt being loved all the way up to the moon and back. so minsan pagka "parang anjan na" kumakapit na ako. bad trait ko kasi talga e. naiinip na talga ako.
kailan ba ako mananawa? kailan ba ako pipirmi na lang? kailan ba ako matututo? diba kaya paulit ulit kasi matigas nga ang ulo ko? alam mo minsan naisulat ko, kung kelangang masaktan pa ako ng paulit ulit bago ko pa man din sya makilala... wag na lang kaya. wag ko na lang sya makilala. dun na lang sya kung nasan man sya at dito na lang ako kung san man ito... nakakapagod na talga e...
diba minsan pag sobra na, ayaw mo na? yung tipong sana huwag na maulit? kung pede lang maging manhid... kung alam ko lang kung pano, ginawa ko na. kaso tao lang eh...
madalas, sorry talga sa sarili ko. lagi ko na lang nilalagay ang sarili ko sa mga d kanais nais na sitwasyon na ako lang ang me alam. so malamang kaya kong lusutan pero hindi ko ginagawa. hinahayaan ko lang.
so sana... kahit minsan lang din me magawa akong maganda para sa sarili ko. minsan sana kaya kong ngumiti at hindi na kita kailanganin pa.
gaya ngayon. sana kaya kong lumakad palayo ng hindi mo namamalayan. kung sabagay, kahit naman anjan na ako sa tabi mo hindi mo pa rin alam.
oo nga. sabi ko nga. tigas talga ng ulo ko....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home