Tuesday, December 14, 2004

mInSan.....

gusto ko din naman mamiss mo ako. hindi yung alam mo at sigurado kang lagi akong nandito. hindi mo na nga ako napapansin e. me iba ka na kasing pinagkaka abalahan... pero noon, diba lagi mo kong kasama? palagi akong nanjan kapag naiiyak ka. palagi akong nanjan para patawanin ka. pasayahin ang araw mo kasi pinaiiyak ka ng iba. pero ngaun... parang hindi mo na ko kailangan. hindi ako mamimilit. alam ko naman na ganito ang takbo ng buhay sa mundo. hindi palagi sa lahat ng oras nanjan ka sa tabi ko. hindi rin palaging sa lahat ng oras kakailanganin mo ako.
sana lang. minsan mamiss mo ako. gaya ng pagkamiss ko ngaun habang tinatanaw kita sa di kalayuan. habang pinagmamasdan na lang kita dito sa mundo ko. d bale.... ayos lang. kahit minsan man lang, ako ang naging dahilan ng mga ngiti mo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home