Friday, December 10, 2004

nGiTi nAnaMan??!! aNuBa?!?

minsan gusto kong lumayo. yung malayong malayo sayo. para hindi ko batid kung ano ba tong gusto kong sabihin sa sarili ko. minsan naman gusto kong lumapit, yung malapit na malapit, para malaman ko kung gaano kasaya kapag nginingitian mo. parang yung sinasabi ng kaibigan ko na kaming dalawa lang sa mundo ko. pagkatapos kumakanta yung friend ko sa background. sweet no? =) kaso baduy nanaman. hehehe wala lang. naisip ko lang.
hindi naman nga dapat maging malungkot. pinapalala ko lang ang sitwasyon. pwede namang simple lang e. u know? makuntento sa mga "moments" na pinahiram sayo. yun lang naman yun lagi eh.
ang sarap ngumiti promise! lalong lalo na kung ang dahilan ng ngiti mo ay dahil din sa isang ngiti na "minsan" lang magawi sa buhay mo. as always walang kasiguraduhan at ni nde mo pa alam kung para saan lahat. pero cge lang. ok eh! kakaaliw! yan naman minsan ang trips NYA eh. wag mashadong dibdibin. wag mashadong mag iisip. wag mashadong manonood ng telenobela sa gabi. hahahaha!
nagiging paranoid na tuloy ako. buti na lang, nginitian nya ako....

1 Comments:

Blogger Mang Dencio said...

tama!!! bawas sa panonood ng telenovelas!!! hahahahahahahahaha

3:54 AM  

Post a Comment

<< Home