Tuesday, December 14, 2004

ang blog ay para sa mga MU-ng tulad ko....

ang blog ay para rin sa mga MU-ng tulad ko. nagsusulat ng mga entry-ng nagpapaiyak minsan... hayan nanaman ako. minsan nanaman.
alam ko naman e. naiintindihan naman kita. alam ko rin kung ano yung dapat at kung ano yung tama. alam ko rin na kung ano yung pwedeng gawin at hindi. o diba? smart ako sabi sayo e... MU lang talga ako. at ang blog... gaya ng sabi ko kanina ay para sa mga MU-ng tulad ko.
pero alam mo ang blog ay para rin sa mga taong gustong humingi ng sorry nde lang makatyempo. hindi mo naman masabing makitid ang pag iisip kasi smart nga e dava? yun lang... madalas ang hobby ay ang maglungkot lungkotan. bad habit. ewan ko. adik na ata ako. kakaibang pakiramdam kasi pagka ganun... hahaha joke lang.
sensya ka na, plis? namimiss lang kita. naalala mo yung sinabi ko dati? ayoko nang lumapit kasi ayoko mamaaalam. ayoko na ng paalamanan. kaya hindi pa man din ikaw nagpapaalam inuunahan na kita! e papano naman kung ayaw mo palang umalis diba? hindi ko naisip yung option na yun. nasasanay na ata ako ng iniiwan.... so sad... hayan sad nanaman... kaya siguro ganito ako. ==> MU
naniniwala na ako!
MU lang talga ako. at meron akong blog. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home