Monday, December 20, 2004

ako at ang antok

madalas ako dalawin ng antok sa gabi. malamang. sa anong panahon ba naman sya laging bumibisita? kaso nitong mga huling araw hindi ko sya ma entertain. kelangan kong magising. hindi dapat kami maging close pang samantala. kaso ngaun, namimiss ko na sya. hindi nya alam sana kasama ko na sya. kaso gaya ng dati, sa ngayon nde pa pede. kelangan kong magising.
sa daming kadahilanan, kelangang imulat kong mga mata ko. huwag syang pansinin as if nde sya nag eexist sa mundo ko ngaun.
sana lang... matapos na ang minsan na ito na hindi ko sya ma entertain at hindi ko ma declare na close kami. ako at ang antok. ako at ang pagtulog.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home