hindi ko malaman kung anong meron sa kwarto ko nung nawala si roommate at hindi ako matulog ngaun. o baka naman namimiss ko lang si rmmate? tingin mo? wala na kasi ang pampahele kong mga kwento mula sa kanya. kelangan ko nang gumawa ng sarili kong antok. haaay.. kagabi tulog nakatapos ako ng isang librong nde maganda ang ending. tsk tsk tsk... tapos pasado alas dos na gising pa rin ako. huwaaaaa! lahat na yata ng sulok ng kwarto ko natitigan ko na. nde pa rin ako dalawin ng antok.
heto tuloy ako ngaun, lunch time.. walang gana kumain (nax!) ang trips lang ay isang basong kape na ubod ng tamis. nak ng boogie sa sobrang antok ko nde ko na napansin gano kadaming kung anek anek ang pinaglalagay ko dito. basta gusto ko lang ng kape. kasi naman lau pa ng sweldo. isang kofi bean lang itech ayus na e. haaaay.. kape, kape, kape... hmmm.... mas ok sana kung itulog ko na lang ito no? tingin mo?
*********************************************
minsan magugulat ka na lang kasi me kakaiba sa kanya. gusto mo man ianalyze ang mga reasons behind naisip mo wag na lang. tutal happy ka naman sa mga pangyayari e so dba mas ok kung manahimik k na lang kasi baka mausog mo pa. un lang magtataka ka kung hanggang kailan. haaay, heto nanaman ako. nde pa nga develop ang plot me ending na akong ginagawa. oo na, sige na. i eenjoy ko na lang. kung san man patungo ito, bahala na si batman.
***********************************
panalo talga itong saksakan ng tamis kong kape ngaun..... =)