Thursday, March 10, 2005

hUy, TotS...

hindi ko masabing mali ka at kami ang tama. actually, madalas wala akong masabi. ano ba naman ang pede mong sabihin sa isang hopeless case na ata? minsan nga ang pede mo na lang gawin ay ang maghintay ng ending. bahala na kung happy o sad ending basta sana matapos na.
madalas alam mo hanggang wish na lang ako para sayo. ni hindi ko magawang patahanin ka sa tuwing iiyak ka. minsan nga gusto ko na umalis. ayaw na kitang panoorin. hindi ko ata kaya. pero naisip ko dapat kahit pagpapanggap na malakas ako e magawa ko para sayo. para maisip mo na kaya mo rin yan kasi nandito lang ako.
tahan na. matatapos din yan, promise. d ko lang masabi kung kelan? pero matatapos din yan.
our offer still stands. kung magbibilang ka na ng lamok, text ka lang. =) sasamahan ka namin.

2 Comments:

Blogger sam said...

what's ur story? pede bang me entry nun sa blog mo? :p gawa ka na dali!
lunch? well, nakakaantok. hehehe.

12:32 AM  
Blogger sam said...

hmmm... kahit san mo gustong simulan. maiintindihan pa rin yan at marami paring makakarelate. ntay ko story mo ha! =)

4:31 AM  

Post a Comment

<< Home