Thursday, February 24, 2005

wAla iToNg tiTLe....

alam mo ba na ang weird. minsan kasi sobrang pag iisip mo ang nagiging dating na nito, nde ka nag iisip. kagaya kanina. sobrang pag iisip ko lumagpas ako sa dapat kong babaan. ang layo tuloy ng nilakad ko. me nakita pa akong nde mashadong kanais nais. napaisip nanaman tuloy ako. sabi kasi nila lahat ng nangyayari sau me dahilan e. so bakit ko kaya nakita yung mokong na yun? haaay, nakakatamad isipin. sayang effort. wala naman kasi atang valid reason e. nagtrip lang uli ang tadhana. lam mo na. pampadagdag bad trip lang sa araw mo. para masaya.
nang away ako kagabi. nagsori naman ako e. kaso baka nde pa counted yung sori na un. malabo kausap yun e.
gusto ko bukas nasa cebu ako. o kaya sa davao o kahit saan na hindi ko pa nalalakaran before. yung wala pa akong kakilala. wala pa kong nakakausap na iba. diba pagka ganun pede kang magsimula ulit? tapos pede kang magpanggap ng iba sa nakasanayan mo. pedeng pede mo silang mapaniwala na ikaw ang isang taong nde naman talga ikaw. pede kang magpanggap na wala ka pang nasasaktan, wala ka pang kinukulit, wala ka pang binibigyan ng sakit ng ulo. parang ang saya kasi pagka iniisip ko e. sana pede yun...
kaso imposibleng mapunta ako dun bukas. alam ko pag gising ko andito pa rin ako. ako pa rin ako. wala ng ibang sira ulo ang magpapanggap pang maging ako. bakit pa? kung ako nga ayaw ko na e, yung iba pa kaya?
sensya na. hindi maganda ang bungad ng umaga sa akin. wala ako sa mood kahit na alam ko pag tinignan mo ako hindi naman obyus. muka yata akong laging masaya? weird. 2 lang yun e. writer talga ako or nagpapaka artista. hmmm... sige na nga. wala na lang pareho.

8 Comments:

Blogger sam said...

mismo. gets kita. gaya ng sabi ko... ganun talga eh.

9:07 PM  
Blogger sam said...

nyehehehe nakakaaliw ka talga magsulat tsutsugamushi... kahit alam kong seryosong senti ang purpose ng koment mo. e ano pa ba masasabi ko kungdi "ganyan talga! Live with it!" idaan mo na lang sa pagsusulat, sa pagkanta, pagtula. wag mo na isisin. mas masakit ata yun eh. :p

7:21 PM  
Blogger ms_taray said...

mahirap yata talaga kapag may nararamdaman ka pang pain.. di maalis sa puso mo hanggat may nararamdaman ka pa... siguro kapag wala ka ng pakialam...indifferent ka na...dun! di ka malulungkot.. at dun din ang time na makakamove on ka na...may sense ba???

10:50 PM  
Blogger mybooo said...

pain ... too much pain ...

why not see the greatness of each events, i mean instead of feeling sorry think of something positive that may apply. its difficult to see the goodness in life but it feels lighter that way.

1:26 AM  
Blogger sam said...

hindi pa e. d pa ko nakakadaan sa mall. ewan ko ba kung bakit.. hmmm.... saka ang lau naman ng sm na sinabi mo e. malau sa amin.

1:33 AM  
Blogger sam said...

before sunset napanood ko na. hihintayin sa langit? un ba ung ke dawn at richard? parang napanood ko na din un. hehehe... my sassy girl gusto ko nga din mapanood kaso yun gaya ni breakfast at tiffanys d ko pa din nasisilayan... 2 na pala ang dapat kong hanapin na film.. =)

8:22 PM  
Blogger sam said...

cge, cge. mahahanap ko din yan. :p sana bago mag holy week meron na ko.

11:12 PM  
Blogger sam said...

salamat sa tip! =) ok din sana ang suggestion mong tipong message in a bottle kaso wag na. baka hindi ko makita e. masayang lang effort mo :p
have a nice day ahead!

6:24 PM  

Post a Comment

<< Home