Thursday, May 26, 2005

magBLOG ka

madalas ang daming nakakabad trip sa life...

pag nababagot ka
mag blog ka.
pag gusto mong magsalita pero parang walang makikinig sayo,
mag blog ka.
pag feeling mo walang makakainitindi,
mag blog ka.
pag feeling mo sawa na sila sa mga kwento mo,
magblog ka.
pag parang.. paulit ulit ka na lang ata,
mag blog ka.
pag parang wala ka ng sense,
magblog ka.
o kahit me sense ka pa lagi,
magblog ka parin.
kahit walang wenta ang advise mo
pero gusto mong mag advise
at walang tumanggap sa advise mo,
hala i blog mo.

magreact man ang mundo sa bawat sasabihin mo,
malay ba nila kung ano totoo?
hindi naman nila alam
kung gano ka nasasaktan talga...
hindi naman nila alam
kung gano ka rin kasaya minsan...
lahat ng nakakabasa walang alam...
pinag hahawakan lang nila
ung kung anong sinulat mo... malay ba nila?

pag gusto mong umiyak,
pero walang sumalo sau...
o walang balikat na sasandalan...
magblog ka...
kung walang ibang way dahil ayaw mong malaman nya,
sa blog na lang....

sabi ko
wala ng senti....

pero nagblog ako.
wala lang.

hindi pa rin bughaw ang langit kaya
nagblog na lang ako.

isang kanta.. bow

*** kakantahan kita sa blog... wag kang aangal.. hehehe *****


kamusta na?
nanjan ka pa ba?
wala na yatang ibang magagawa
kungdi tumawa...
anjan pa ba?
mga ala ala?
ang tanging bagay na naiwan
sa ating dalawa

wag na paikutin ang isat isa
lahat ng bagay ay malinaw na.

d na rin kailangan
pagpilitan pa
d mo na kinakailangan pang
magsalita

nakita ko nang lahat ito
pinahihiwatig ng mata mo
salamat na lang sa'yo.

doorKnoB

"oo basta ayusan mo ko. bumangon ka na jan!" sabi ko ke solmeyt.. kausap ko kasi sya sa celpown habang binubuksan ang lock na pinto ng bahay namin, ng biglang kahit anong gawing pihit ko sa doorknob namin, hindi ko sya mabuksan!
"nak ng boogie! anong nangyari sau?!" sabi ko sa door knob. wish ko lang sumagot sya diba? pero wala.. nanahimik sya animoy nangungutya... hala ka sam! maleleyt ka sa appointment mo lalo...
lumingon ako sa paligid. naghahanap ng saklolo. ayuun! neighbors! new friends! hehehehe...
"amm.. excuse me po. patulong naman po.. hindi ko po mabukas ang pinto namin.." sabay about ng susi.. puteek muka akong inutil dun sa harap nila.
tinulungan naman nila ako. buti na lang.. un lang.. wala silang nagawa. talgang ayaw magpapasok ng pintuan namin. hindi nakikisama ang doorknob.
hindi ako nakapunta sa appointment ko. sayang. gig pa naman sana un. next time siguro.
pakalipas ng ilang oras... nakapasok na kami (ako saka family ko) sa bahay namin, ginagawa na ni papa ang bagong doorknob. maya maya pa sabi ng nanay ko.. "ayus... kanina nde tau makapasok, ngayon naman hindi tayo makakalabas.."
hehehe... ang doorknob.. parang life... ang labo.
*********
ps.
walang kwenta ang entry ko ngaun. bawal magreact. kwento lang yan. hango sa tunay na buhay.
tama na muna ang senti...

Thursday, May 12, 2005

magic... genie...dehydration?

namimiss na kita.
hindi naman kita palaging kasama
hindi naman kita palaging kausap
pero pagka tumatagal
ang pagitan ng
kahapon at ngayon

na nakasama kita
para bang ...
hindi ko mawari
kung nadedehydrate lang ba ako
o naglulungkot lungkotan
dahil malayo ka nanaman.




sana,
merong magic
para maging malapit ako sau.
sana
totoo ang genie...
baka pedeng magwish,
na kung totoo mang

minsan
natutupad ang mga pangarap..
sana minsan..
makita mo ulit ako,
maalala mo ulit ako,
mangitian mo ulit ako.




kahit kunwari lang,
sana friends tayo....
pede na yun...

Friday, May 06, 2005

maAgAng sEntI....

"mang! alis na ko!"
alas otso. tsk tsk tsk. hayan, sam bilisan mo pa ang lakad. goodluck kung umabot ka pa in time sa pasok mo sa opisina. kasi naman e. kung bakit naman kasi feeling mo kanina you have all the time in the world... tsk tsk tsk..
OMG (o my gosh! hango sa blog ni cat..) ang trapik!!! nak ng boogie! :(
haaaay... namimiss ko na long walks from allied bank to rakwel.
namimiss ko na ang sabihan ng kras sesyons sa kofi bean.. ung mga tamang tanong na me katapat na tamang sagot..
namimiss ko na ang maghapong conference... pati na ang magdamagang textan sa gabi..
namimiss ko na si trinity... at ang sayang dulot kapag hawak mo ang kamay ko...
pati smile ni mk namimiss ko na din.
anu ba ito... madedehydrate ako nito sa sobrang dami ng namimiss ko...
kung bakit naman kasi ang tagal kong makalimot. gaya ng sbi ni tots madalas.. let go na let go! hehehehe... haay...
hayuuun... 8:39! pasok! nde ako late. =)
wala lang.... maagang senti ito...