Thursday, November 24, 2005

i thought
id sing you a song.
and ull know
just how much i like you.
in between songs
i would pause
anticipating the heartbeats
and the gasps
knowing i would
somehow
make you smile as i sing.


but sometime long ago
without knowing why
or how
i bid you goodnight.
while you were crying
your blues away.


we drifted apart.
simply because
there was nowhere else to go to...
but by simply being
just you...
and just me.



2 seperate persons.
one falling apart
and one... just chasing the
ghosts away....

iyakin ka kasi....

iyak ka, iyak.
sige umiyak ka.
wala naman makakakita.
wala namang magtatanong.


kaya iyak ka, cge iyak.


pagkatahan mo, tara.
libre kita ng ice cream sa kanto. :)

it sucks

it sucks.
you try and kill time
to help you forget
but ended up
liking what you use to hate.
wishing,
hoping
that things get back to
normal.
but you know,
it never will.
try as you may,
it never goes away.
it sucks.

Tuesday, November 22, 2005

Miss mOde

umaga nanaman. ayoko ma late ngaun. ayoko ding magmadali. kelangan ng bumangon.
haaaaay.... boring.
maliligo. magbibihis. paulit ulit na lang. e alangan namang nde ako maligo bago pumasok? kawawa naman ang makakatabi ko sa jeep kung amoy kababangon lang ng kama ang masisinghot nya.
haaaaay.... boring.
naisip ko nanaman. ilang araw na lang. ibang daan na ang tatahakin ko. well, at least me bago. bagong mukhang makikita, bagong PL na susundin, bagong susungitan?
haaaay.... boring.
gutom lang ito. cge, makapag breakfast nga with chubby and bugnuting daddy. hehehe breakfast na ako lang ang kakain kasi kumain na sila sa mga bahay nila. sinamahan lang nila ako. sweet no?
ang dami ko namang mamimiss dito. nakakainis. senti nanaman ako.
si PL na babae
na madalas mong mariringgang kumanta ng imbento nyang song na pinamagatan kong "i am sleepy" na un din ang lyrics. paulit ulit lang. gang sa mapailing ka na lang at itanong sa sarili mo kung bakit? kahit ano lang. basta bakit lang.
nakakamiss yun.
si PL na lalaki
na madalas naman, sa katahimikan ng tanghali. habang dinadigest mo pa ung burger meal na kinain mo from jollibee e madidinig mo syang kumanta ng sarili nyang version ng "get me" ng MYMP. ayus! mapapabilis ang pagtunaw ng mga kinain mo.
nakakamiss din yun.
si lokagerl + 1
na kahit minsan ko lang makasama, lagi pa ring nanjan. isang tawag mo lang handa nang samahan ka sa kalagitnaan ng ayala na iisa lang ang suot suot na sandals. no questions asked. lifetime friends.
haaay, nakakamiss lalo yun.
si chubby.
ang paborito kong asarin sa umaga, paiyakin sa tanghali at kulitin sa maghapon. pinakamalambing na baby na nakasama ko. mapapasmile ka na lang kasi friends kau.
nakakamiss din kaya yun!
si bugnuting daddy
big brother sa telenobela ng buhay ko. masungit, madrama, bading at funny. sarap palang me kuya. lahat ng drama ko nasasakyan nya. minsan nga nde na kelangang magdrama pa kc gets na nya. can relate??? hehehehe
nakakamiss un.
siempre pa, malilimot ko ba? ang nilalang na nagpa excite na bawat araw ko dito. nagbigay kulay sa dami ng bloopers ko. si MK. haaay, mega miss mode un siempre. pero kelangan pa bang elaborate? main star na nga sya sa blog ko e. tama na yun.
huwaaaaaa, ang dami kong mamimiss.
kung saan saan pa ko naghanap. dito ko lang pala ulet makikita. kung gaano kasarap pala magkaroon ng mga kaibigan. at kung pano madalas, naisip mo nag iisa ka lang saka mo makikita na marami pala jan. pinili mo lang siguro maging mag isa pero kung titignan mo, madami pala talga sila.
haaaay, boring. teka nga. maasar na lang nga ulet si chubby....

Monday, November 21, 2005

sEnTi lang

ilang araw na lang, hindi na kita makikita. dahilan nga ba ito para maging masungit ako at mag lungkot lungkotan?
ilang araw na lang, hindi ko na makikita ang ngiti mo. e ano ba? dati pa naman. hindi na kita nakikita. hindi kita madalas nang tignan. para sa kin kasi nag iba ka na. o siguro, malamang ako yung nagbago.
oo, totoo. nakakatuwa pa ring makita pag nde sinasadyang mapagmasdan ko ang mukha mo. oo, totoo. halos himatayin ako kapag me mga pagkakataon noon na kinakausap mo ko. kahit ba "excuse me" lang at "gusto mo?" sabay alok ng kinakain mo, ang mga interactions natin sa araw araw na nilagi ko dito sa opisinang ito. pero un lang, haaaaay... hindi mo maikakaila ang lungkot na marahil dulot mo sa tuwinang maiisip ko kung san ba ko nagkamali at tila ba hindi na tau magkakilala?
so imbes na isipin ka, pinipilit kong hindi na lang. kung dati, napapasaya mo ang boring kong araw... ngaun... hindi ko maiwasang malungkot. hindi ko naman ninais ang imposible. gusto ko lang maging kaibigan mo. maybe its me. something must be wrong with me.
but then again, thank you na rin.
for awhile you made me smile.
ilang araw na lang...
sana bukas kung d na kita makita, d na din ako malulungkot.

Wednesday, November 09, 2005

hiNdi pA....

kahapon, inisip ko na lang na walang ending. lagi ka namang nanjan. isang tawag ko lang, makakasama na kita. wala akong dapat ikabahala.

pero habang tumatagal, nag iiba na. yung akala kong nanjan hindi ko na mahagilap. minsan pinilit kong magtanong. wala akong nakuhang sagot. unti unti yung dating malapit lumalayo. hinayaan ko na. wala na sya. inisip ko na lang ulit na wala na ko magagawa. ganun talga e. ginusto nya yun. hindi ako.


kasalanan bang isiping hindi ka mawawala? kasalanan bang umasa na minsan nakakalusot ang pangako? o madalas ba kathang isip ko lang lahat ng ito? hindi ko alam e.


bukas, bagong ikaw nanaman ulet. iisipin ko na naman, na walang ending. lagi ka namang nanjan eh. hindi ka mawawala. hindi pa.