Friday, January 27, 2006

i HatE thE wOrld todAy.....

i hate the world today. weird ba? ewan ko lang ha pero pag gising ko kaninang umaga, sana nde na lang muna ako kelangang gumising.
ayoko sana pumasok ngaun sa opis. kahit mejo madami pang gagawin. biruin mo me dedline na ako! dati wala lang e. e ano fa nga vah magagawa ko. andito na ko ngaun sa opis. pero hindi ako nagtatrabaho. nagbloblog ako.
alam mo kung anong trips ko gawin ngaun? pagkakain ng lunch... hahanap ako ng bagong pocketbook na babasahin sa kahit anong bookstore jan. bibilin ko un siempre. tapos punta ako kofi bean. buy ako ng malaking mocha ice blended! yum! tapos upo lang ako dun basa basa nung book. walang istorbo. walang pakialamanan! saya! i hate the world nga today e. dedma ang mundo!
kaso to do that requires money. im on a very strict budget now adays. baket kamo? wag na boring ung sagot dun e. basta un. so eto.... tsaga na lang sa 3 in 1 kofi.. habang nag blo blog hopping. dedma sa mga katabi at kasama sa opis. dedma pa rin sa mundo.ayoko mag hapdey sayang e. siguro mamaya... gagana na din ang isip ko para ayusin ang magpakailanman naming payroll system.
wala lang. nashare ko lang naman.

Wednesday, January 25, 2006

super cLose EncoUnter.....

monday this week nagclient ako kasama ung isa kong ka opismeyt. meeting bandang caloocan. siguro mga 1 hour din kaming nakipagbolahan sa cliente. mga trips nila sa POS na gusto nila blah blah blah... nakakaantok na pero siempre dapat d mo pahalata.
after nun malamang uwian na. kahit pede pang bumalik sa opis para mag log out, wag na lang. mas masayang umuwi ng maaga e kahit wala naman ako mashadong gagawin sa bahay hehehe..
so pumara kami ng taxi. R&E. normally, i would think na ok ang mga taxing ganito. so sabi ko swerte at R&E ang nakuha namin. so sakay na kami.
pagkasakay, napansin ko me tiny weeny ipis sa me itaas malapit sa amin. hindi ako nagpanic. naglalakad kasi ung ipis papalayo sa amin. papunta dun sa me harapan ng driver. whew.
paglingon ko sa left side ko. aba naman sa me pinto ng taxi, me tiny weeny ipis ulet... napansin ko dalawa na sila. nagpanic ako slight lang. d ko pinahalata. umusog pa ko ng konti sa tabi ng ka opismeyt ko. tinry ko sumipol kaso shet walang lumabas na hangin hehehe. sinilip ko ulet kung asan na ung 2 tiny weeny ipis na nakita ko sa pintuan nung taxi sa left side ko. shet! nakaupo na rin sya sa tabi ko! oh no! nagpanic na ko! hehehehe... nakakahiya pinatay pa nung kasama ko. wow! tapang nito. yung driver natatawa tawa na. pagtingin ko sa me paanan ng ka opismeyt ko, oh no, ilan ilang tiny weeny ipis ang naghahabulan sa gilid ng suot nyang sandals. sinilip ko sa paanan ko. whew! wala naman. pero sa me d kalayuan... meron pa atang nagma mating na mga tiny weeny ipis! meron kasing magkadikit e! oh no! waaaaaa!
hindi na ko sumandal sa upuan. natakot ako baka meron na sa me batok ko mamasyal na tiny weeny ipis. maya maya pa, habang nagteteks ung kasama ko. napasigaw na lang sya. sa me lap nya ay yung bag nya. at sa bag nya ay me nakikibasa nang teks nya na tiny weeny ipis! shet! parehas naming naisigaw!
ung driver natatawa lang.
me: "manong naman! ano ba ito?!! bilisan mong mag drive at parang nde kaya ng powers ko ito!!!"
driver ng taxi: "mam sensya na. hindi kasi sa akin ito. d ko po alam na maraming ipis (shet! ano ka? diyos nila at hindi mo napansin?!) hayaan nyo po bukas malinis na ito! (naman wala na kaya kami dito nun!)
maya maya din... hindi na tinantanan ng tiny weeny ipis ung ka opismeyt ko. nagtatalunan na ata sa kanya. me mga napatay na kasi syang ilang kaibigan nito kaya siguro sa kanya lang nagtatalon ung mga tiny weeny ipis.
me: "ayoko na. baba na tau plis."
ka-opismeyt: "oo nga e. ayun o taxi! dali parahin mo!"
so hayun baba kami. nagpagpag muna ako bago ako sumakay sa bagong taxi. mahirap na baka me naibaon ako e. binayaran ng ka opismeyt ko ung taxing amraming tiny weeny ipis. sad story... hehehehe.
so far malinis naman ung bagong taxi. pero wala na. paranoid na ko hehehe....
sorry d ko nakuha ung plate number :( basta R&E sya na taxi. sayang nga e.
hayun lang. kwento lang.

Thursday, January 12, 2006

sino ba namang mag aakala na ngaun ang araw na malalaman ko na? matagal ko na ring iniisip, hiniling na sana me pagkakataon na tanungin ka na.


sa wakas, kanina, binigyan mo ko ng chance.


pero kahit pala inisip kong handa na ko sa magiging sagot mo... hindi pa rin pala.


i need a hug.
please. :(

Sunday, January 01, 2006

walang magawa...

anong bago sa akin ngaung taon na ito?
hmmm....
-- wala na ko sa opis jan sa me sulok ng pasay road makati. andito na ko ngaun sa ghills... minsan mapapansin mo nagbebenta ng dangling earrings sa tiangge pag lunch time! (joke)
-- wala na ko sa banda. oo tama ang nabasa mo wala na ako sa band. wala lang,... maarte din pala ako ..... ngaun ko lang napagtanto.
-- nadagdagan ang alam kong software language... bukod sa proiv.... hehehe
-- tumaba ako. (luma na ata ito..)
hayun lang. wala pa ring sense ang blog ko. kwento lang ba.
happy new year! :)