Friday, September 30, 2005

the Kurls....

kulot na nga ako. icucurl pa nila lalo ang buhok ko. o cge. aayusin lang ang kulot. si pl ko by day magiging hairdresser ko by night.
seryoso yan sa work sa umaga. mashadong detailed kung magcheck ng work namin. pero pagktapos ng opis hours. ayus! me instant hair dresser na ako. hehehehe...
ano kaya ang magiging itsura ko mamaya pag naging ganap na kulot na ang buhok ko? oh well, pang nginig episode ito! hehehehe....

Thursday, September 29, 2005

gi pe Ko

adik ako. oo. promise. ilang gamot sa sipon at ubo na ang nilunon ko. sabayan mo pa ng vitamin c at ibat ibang klase ng energy drink. pero wala. palagi pa rin at madalas na sinisipon at inuubo ako. ayus no? so.... maniniwala ka pa ba na kumakanta ako kung ganito ako?
oo naman. maniwala ka naman. adik lang nga talga ako.
eto me bago. kita mo ba ang title? oo. gi pe ko. chinese medicine. sabi sau. adik talga ako. pati chinese medicine susubukan ko na.
anong meaning? naku nde ko alam e. tinanong ko na sa isang chinese friend e d nya din daw alam. ngaun kung alam mo, enlighten me. magcomment ka dito :P
nasa maliit na bote lang ang binigay sa akin. kulay dark brown na sobrang lapot ung liquid na laman nung gamot. pag tinikman mo... lasang arnibal. tapos malamig sa lalamunan na nagsasabi sau na "hey, ginagamot ko lalamunan mo!". pero siempre malay ko ba. mapag gawa lang ako ng kwento ngaun. hehehehe. nakakapagtaka lang. ang alam ko bawal ang sweets sa mga kumakanta. pero bakit ganun ung gi pe ko? ubod ng tamis. iiieeww.
hay, kelangan lang talga ma maintain ang quality ng boses(kung meron man hehehehe). alam mo ba? me audition pa kami mamaya! me sipon at ubo pa ako. so mga kapatid, pagdasal nyo ko. kahit ganitong adik ako.
wala lang. kwento lang.

Monday, September 26, 2005

masaya ka ba?

sabi nila, ikaw lang ang makapagpapasaya sa sarili mo. hindi ibang tao, hindi bagay, hindi karangyaan o katanyagan, o kahit ano na lang na sinasabi nila jan na mga simpleng bagay bagay lang. kasi nga sa totoo lang. depende sau un.
pero papano na lang kung mismong ikaw hindi mo mapinpoint kung ano o sino ang magpapasaya sau? marahil nasubukan mo nang gawin ang lahat. sumali sa mga organisasyon na sa tingin mo makakabuti sau. binasa lahat ng libro na interesting para sau. inabot ang mga pangarap mo. kinilala yung taong me magandang ngiti..... pero pagkatapos nun. bakit parang kulang pa rin? hindi mo lang alam, pero bakit parang me mga tanong pa rin? at bad trip pa dun madalas hindi mo din alam ang sagot. so para walang diskusyon, kapag tinanong ka kung ok ka ba, masaya ka ba? sagot mo na lang, ok lang ikaw kamusta ka? ibaling mo na lang sa kausap mo ung topic. para hindi na nya mahalata na wala ka naman talgang sasabihing bago tungkol sa buhay mo. kasi parehas lang e. ganun pa rin. minsan isipin mo, kung ano na lang yung meron ka ngaun... siguro yun na yung tinatawag na kaligayahan. so kahit papano, masaya ka na rin siguro. kahit d mo pa sure. yun na lang. pwede na un.

Friday, September 23, 2005

panic mode

panic mode ako ngaun. nakakailang bahing na ako. konti na lang, quota na ako. ibig sabihin sisipunin na ba ako nun? :( nde pede!!!
yung huling time na sinipon kasi ako.... kasunod nun ubo tapos namaos na ko. :( nde ako nakakanta sa gig ng 1 week. bawal yun ngaun.... mag aabsent pa naman si aswang ng mga 2 weeks din ata. oh no!!!

pano ba ito maaagapan? any suggestions???

Thursday, September 22, 2005

siMple lanG

simple lang. oo, ganun lang sya kung titignan mo. pwede ka pa ngang magulat at magtanong na "anu ba?! yan na ba un?!! wala na bang iba?"
pero weird talga ako. at kadalasan kung d mo ko maintindihan e pano pa kaya ako? pero iba talga ang dating ng taong ito sa akin. kahit nakangiti, malungkot, nangungulit, nananahimik o naglalakad lang jan sa tabi tabi. me mga pagkakataong, pinapatigil nya ang hininga ko (wala akong hika) at pinapabilis ang bawat tibok ng puso ko (palpitations ito!)
in short, sige na nga. kras ko sya. matagal na nga e. ewan ko ba. hindi mawala wala. hindi mapawi pawi. kahit ilang beses nang idinagok sa kin ng tadhana na "haler! walang pag asa! magising ka na sa katotohan" e heto pa rin ako. pamasid masid. nagnanakaw ng mga magic moments. kahit magic lang ito para sa akin e ayus na. kahit minsan lang, ayus pa rin. kahit nga wala ng magic e basta me moment, masaya na ko.
kung me mga pagkakataong nalulungkot sya, makailang ulit kong hihilingin na sana me magawa ako para mapangiti sya. pero alam ko, maraming angels sa paligid. hindi man ako, alam ko marami jan... ngingiti at ngingiti ka pa rin.sana lang hindi ako malayo sau. sana lang, marami pang moments ang ibigay. kung d man ngaun, sige pede na bukas.
simple lang talga. lahat ng hiling ko para malapit sau simple lang.

Thursday, September 08, 2005

kwento102

tagal ng walang blog. hmmm ... wala kasing maisulat e. pulos gig lang most of the time. e wala namang jolly lolo sa mga gig ngaun e. nakakamiss din sya...
minsan, sa mga gig namin merong dumating, nde mo inaasahan. merong kasama. hindi mo rin inaasahan. kung pede mo lang itanong kung bakit at kelan, nagawa ko na marahil, inanounce ko pa sa mikropono kasabay sa pagbati sa mga me birthday pero siempre gaya ng dati sikret lang ito. hindi pede ipaalam. so kanta galore ever na lang ako. saka in the first place nde naman talga ako nagsasalita sa stage. kanta lang ako ng kanta. shy type kamo? hehehe mejo. sabi nga ni mr sunget ilabas ko daw ang kakulitan ko sa stage pero anong magagawa ko? hindi ko naman kakulitan ang mga nanonood sa akin. malay ba nila sa mga pangungulit ko.
********************************
ang dami ng bawal sa kin ngaun. halos lahat pa favorites ko. chocolates, kofi bean, cheese barrel at nachos! OMG! e kasi ubo ako ng ubo sa stage after each song. bawal daw. papano daw ako gagaling sa ubo ko kung matigas ang ulo ko. pero siempre kung matagal ka nang nagbabasa ng blog ko alam mo nang matigas ang ulo ko by nature. so kanina, since alam kong walang gig mamayang gabi.. nag kofi bean ako! huwaw! nakakamiss. nag nachos din ako. yahooo!!! un lang nahuli ako ni aswang. san ka pa? e d smile na lang ako. wala naman syang magagawa e. kagaya nga ng sabi ni spok, mamatay na sa sarap! hahahaha!
*****************************
ilang araw na lang hindi na kita makikita. kahit minsanang sulyap sa mga smiles mo saka sa kind eyes mo hindi ko na magagawa. e kung, papicturan kaya kita sa mga frenli boylet frens ko? hmmmm..... pwede! stalker na ako! 100% hahahaha....
nakakamiss siguro na makita ka pagpasok ko pa lang sa building na to. nakakamiss siguro yung tumitig sa iyo ng hindi mo nahuhuli (hehehe sana...) o kaya naman yung minsanang makausap ka... saka dumaan sa likod mo, sa tabi mo, sa harap mo. makasabay ka sa elevator or sa pababa sa hagdan ng hindi mo namamalayang nasa langit na ako kasi kasabay kita.
siyaks ang daming nakakamiss. siguro.
oh well ganun talga. lahat me ending. malapit na ang ending sa telenobelang ako rin ang me gawa.
*******************************
wala na kong kwento. walang enta din ang blog entry ko ngaun. gusto ko lang magsulat. =)