Tuesday, November 30, 2004

wala lang ulet

hanggang kailan ang mga katulad mo? wala pa akong nakitang namalagi kasi gusto nila. madalas yung iba, nanjan kasi kailangan o d kaya wala lang sila magawa... maaaring nakatali na lang dahil sa pinagkataong magkadugo lang kasi kayo. pero kung saka sakaling hindi... hanggang kailan ka kaya jan sa tabi ko?
hindi din naman ako madalas humiling na sana jan ka na lang palagi. nadala na marahil ako. pinaka ayaw kong maramdaman yung tinatanggihan o d kaya binabalewala o d kaya nama'y hindi sila nakikinig sayo. kadalasan din matigas ang ulo ko. araw lang marahil ang bibilangin... aalis din naman sila. mananawa. tapos, yon. wala na.
kaya, hanggan kailan kaya ang mga katulad mo? ayoko na nga isipin. kung sadyang alam ko na ang sagot. dapat kasi manahimik na lang ako. yun lang, sayang. ayokong mawala ka ng hindi mo man lang nalamang naging mahalaga ka. kilala mo na marahil kung sino ka. at kung hanggang kailan ka man, salamat pa rin.
hindi ko na lang iisipin kung hanggang kailan.

Thursday, November 25, 2004

wala lang

ayokong magwork ngayon. sana. as if naman work ang ginagawa ko sa araw araw na nilagi ko sa building jan sa me pasay road. minsan naman work.dapat nga ngayon magwork ako e. kaka postpone ko mejo tambak na gagawin ko. pero ayaw kong magwork ngayon. gusto kong mahiga at matulog. sana pede kong gawin ngayon yun. sana lang. kaso nga dava??? hindi lahat ng sana pede mong magawa. ewan ko ba kung bakit ganun?
tapos... parang me mali sa araw ko ngayon. hindi ko nga maisip kung ano e. kaya ako nagsulat. meron akong gustong sabihin sa sarili ko. meron akong gustong paisip sa sarili ko. kaso inaantok ako e. malamang nito walang sense ang malalagay dito. maya maya papasok nanaman sa eksena yung nilalang na lagi kong kinukuwento sa lahat ng makita kong humihinga. ayan na! ayan na sya! ini invade nanaman nya ang blog ko! e diba inaantok lang ang topic dito?
haaaay... paulit ulit na lang.
saka, bakit ba tagalog ang language ko dito ngayon? hmmm...
gosh.. 10 years nang sya ang topic dito. wala na akong ibang masulat. d naman ako makapagsulat ng topic about letting go kasi in effect anjan pa rin naman sya. yun nga ung masaklap e. wala na nga sya pero anjan pa rin sya. labo ko!

im not wishing
you hear me out.
nor cry with me
when im in pain.
not even asking
for what you think,
i get headaches
on mine alone.

dont even expect you
to understand.

ive given up on people
who i used to think
would understand.

there's not much
to tell anyway.
i've said too many things.
wrote too many words.
and yet
it wasn't enough.

wierd.
i know what i DONT want.
and then
i cant seem to find the words
to end this piece of crap.

go ahead.
figure me out.


Tuesday, November 23, 2004

wIshLisT

paano ka ba dapat magrereact? kung me mga bagay bagay na hindi mo nakukuha.. pero meron namang hindi sa hindi mo kailangan pero blessing na din? hindi naman sa hindi ka thankful, pero me pero sa dulo? kasi tipong me wishlist ka sana? kaso hindi ata umabot sa listahan ni LORD ng mga pagbibigyan nya so waiting in vain ang beauty mo diba? tapos... minsan hindi mo maiwasang mangulit. kasi by nature makulit ka. e by nature din malamang mahaba ang pasensya NYA. sa huli ikaw ang susuko. bahala na si batman. kung nde pede ngaun sige na nga bukas na lang. haaaaay sabay buntong hininga. sabay bitter ocampo ka nanaman. hehehe. yon! yon ang bad. pero siempre naiintindihan nya yun. kaya nga sya lord e. lahat pwede. lahat kaya. un lang minsan bakit ung pinakagusto mo, hindi nya kayang ibigay? siempre papasok nanaman ung iba't ibang opinyon jan. gaya ng it wasn't meant for you lang talga at kung ano ano pang anik anik. kaso care ko! makulit nga ako e. iisa pa rin ang gusto ko at yun lang ang gusto ko. haaaay. mapapakamot lang ng ulo si lord nyan sa akin. ang tagal ko kasi matauhan. ang tagal ko kasi mangulit. ang tagal ko kasing umasa. ang bobo ko naman makinig sa kanya. malay ko ba kung paulit ulit na pala nyang sinasabi na tama na? malay ko ba kung paulit ulit na nyang sinasabing hindi na talga pwede e? malay ko ba talga??? hindi ko talga alam.
medjo obyus, walang sense ang mga pinagsusulat ko dito. wala lang. gusto ko lang talagan magsulat. in a way kasi thankful ako. me mga bagay bagay kasi na kahit pa lugmok na ko sa pagsubok... meron pa rin akong blessing. gaya ng pagkakaroon ng "new" friends in the least expected moments. ung mga tipong matagal nang nanjan kaso dedmahan kau for life noon. tapos... malalaman mo pde pala silang maging lokaloka kagaya mo. ay! tao pala sya! hehehe. umiiyak din pala. nasasaktan din pala. me dahilan pala kung bakit ako binalik dito sa pojetsu. kasi nga, destined na maging friends ko sila. baduy no? mushy! walang pakialamanan! blog ko to eh!
minsan din pala blessing na maging friendly ka in its truest sense. nakakatuwa din minsan kapag na aapreciate ng iba ung existence mo.
un lang pagkatapos ng lahat ng pagbibilang mo sa mga blessings mo. back to basics ka ulet. balik sa wish list na isa lang naman ang laman.makukulitan nanaman si lord.
well at least bago ako mangulit nag thank you muna ako. =) isa pa mahaba ang pasensya nya. so kahit pa paulit ulit akong mangulet na sana tuparin nya ung iisang laman ng wish list ko ok lang.
aaliwin na lang daw nya ako sa mga bago kong friends.
habang in a way inaaliw ko din "daw" sila.
mautak si lord grabe! hehehe. pero mangungulit pa rin ako. iisa lang ang laman ng wish list ko e.

Tuesday, November 02, 2004

stupid statement

you'd think by now, after so many stupidity,i'd finally say "i had it! its over! i am not falling in love ever again." or so it goes. but then you know, that's another stupid comment from a supposed stupid person. so i wont. coz i dont want to be called as such.
so what then? how do you handle the halloweens that a broken heart must face after the sun has taken a peek unto your bleak gray skies? you know, the use to be fleeting exciting feeling of being happy just by hearing his laugh? do you get me? oh well never mind if you dont. i dont usually get me either. im a mess most of the time. haven't got the time to fix things up. im so used to being a mess it doesnt matter if i do it all over again. oops wrong idea. it matters. it matters a lot. it matters so much im bound to make a stupid statement. i am not falling in love ever again! but then again, those people who say it usually does. and most probably will get the same ending as i. what can i say? im a full grown cynic.
i never stopped at happy endings. i wait for the heroine to die.