Tuesday, June 28, 2005

M u s i K...

it took about.. what? less than a minute? but the musik it brought to my heart was enough for me to write songs about how simple yet beautiful the world can be.

yup. believe me. your voice is musik to my heart.

thank you. :)

Tuesday, June 21, 2005

kUnwaRi wOrKahOLic .....

ang lonely namang maging workaholic.... wala pang isang linggo ang halos ot namin gabi gabi ang dami dami ko nang namimiss.

namimiss ko na ang mama ching ko at mga kwento nya sa akin gabi gabi. tuloy pagka nagkita kami parang kulang ang isang araw sa mga pangyayaring gusto nyang ishare sa akin...(kelan nga ba yung huling time na nakita ko sya? hmmm...)

namimiss ko na rin si tabs... saka mga pang aasar nya araw araw.. pambihira pag gising ko naka alis na sya papasok ng eskwela.. pag uwi ko naman tulog na sya... haaaay... nakita na nya kaya ulit ung crush nya sa school?

namimiss ko na rin pagka pinagsasabihan ako ni papang. as usual alam mo na pasaway na nga nangungulit pa lalo. siguro kaya dumadami ang puting buhok nya sa ulo hehehe...

higit sa lahat.. gaya ng lagi kong status sa ym.... "pero miss na miss na miss ko na ang aking kama at ang malupit kong unan.."
haaaay lagi na lang akong inaantok.... sasabihin mo sa akin matulog? e kung pede lang nga e. kaso nagpapakadalubhasa ako sa pagiging workaholic ngaung mga panahong ito..

sabi ni pl pagka umabot kami sa deadline ililibra nya kami. sabi ko naman pagka ok lang ba na nde mo kami ilibre ay papauwiin mo na kami? alam mo kung anong sagot nya? ammm.. ililibre nya daw kami pag natapos namin ang project.... as if wala syang nadinig... haaaay....

buti na lang namove ang gig.... sana... bukas... pwede nang umuwi ng maaga... para hindi ko na mamiss ang lahat ng namimiss ko ngaun...


hindi ko na napapanood si darna....
ang panday kaya umpisa na?

hahahaha telenobela nanaman ito!

sana uwian na!!!!

Saturday, June 18, 2005

lEt go...

kung meron mang tamang panahon... ito na siguro yun..

simulan ko na.. hindi na dapat pang lumingon para hindi na kita makita pa...

Thursday, June 16, 2005

kwento101

kagabi.....

"haaaaay... 8:30 na wala pa rin sila." siempre pa naiinip na ako. mainiping bata kasi ako. siguro 5 mins pa lang akong nag iintay feeling ko tinutubuan na ako ng ugat sa paa at maya maya pa'y magkaka bunga na ko ng mangga (bakit mangga? wala lang fav. kong prutas yun e.)
after like mga 10 years nagteks na si aswang... andun na daw sila ako raw ay magpakita na. e di appear na ang lola sabay sakay sa car to go to a place kung san ay magpapanggap kaming magagaling at mahuhusay na artists!
maya maya pa at dumating na kami sa destinasyon soempre pa baba na ko sa car.. unang banat ni aswang sa akin e yung suot ko... siempre with a smile lang ang sagot ko... "cge neks time" tapos dedma na.

eto na.. gig na..

audiences:

1. "jolly" lolo
laging naka smile, at lahat na ata ng kinanta namin e ang koment nya lagi ay "byuuuuuuutipul!". nag totono lang ng gitara si yob e naka "byuuuuuuutipuul!" na sya agad. kahit nde namin makanta ang lahat ng requested song nya e nakasmile pa din sya. o diba naman jolly itech?

2. ang aking sumpa.
oo alam ko hindi lahat ng nilalang ay biniyayaan ng diyos ng kakayahang umawit. at oo alam ko dapat kung sakaling im one of the chosen pipol e dapat humbel ka lang. ganun naman ako e. promise! except ung kagabi. me exception na ko ngaun. siguro naman alam mo ding merong exception to the rule palagi at nakilala ko na ata sya kagabi.
hindi sya nakakatuwang pakinggan. parang hanggang ngaun nga eh nadidinig ko pa ang boses nya... kungdi ba naman sumpa sa akin ito ewan ko na lang! biruin mo sya na nga tong tinuturuan para nde sya magmukang tokeneng sa stage e ayaw ba naman makinig. nagmistulang videoke na nga ako dun.. tinuturo ko na ang tyempo pero wala! ika nga ni friend siguro nga style nya un. off beat. para maiba naman. haaay.

3. "broken hearted" girlaloo
ibang iba ang itsura nya kagabi kesa sa huli ko syang nakita. pa girl sya kagabi. todo make up. naka miniskirt at naka tube. winner. tapos makikijam daw sya ulet sa amin. habang naghahanap ng song nya e bigla na lang nya binanggit sa akin na "anjan ang ex ko" with matching "i-dunno_expression" on her face. d ko kasi maipinta e kung like o nde nya like ang fact na si ex ay nasa paligid lang ng bar na yun... nagpaparamdam. (parang multo no? hehehe) tapos eto na.. nung last song na me i dedicate na sya... "this song is dedicated to someone.. you know who you are.." sabaya kanta ng .. "kailangan ko'y ikaw..." ayuuuus! so diba.... saka ko lang naisip baka nga like nya na nasa paligid lang si ex nagpaparamdam. wala lang.

4. the "favorites"
favorite kasi simple lang sila. :) at nakikinig sila sa amin. wala akong maramdamang kahit anong negative vibes sa kanila. alam ko lang na appreciate nila ang pagperform namin. ok na din. siempre si jolly lolo fav ko na rin ata hehehe... ikaw ba naman sabihan lagi ng "byuuuuutipul!" sa bawat pagkanta mo hehehe

yun lang mga kakaiba sa mga audiences kagabi e. at wala na ko maisip na kwento. inaantok ako ngayon pero kelangan ng magtrabaho.

ang jologs nanaman ng blog ko.... haaaay.....

Friday, June 03, 2005

Litel BIG sIs... nyehehehhe

hindi na mabilang kung ilang beses na kitang kinulit, inasar, niyamot pero dalawang beses pa lang kita napapaiyak ever... kung pede lang maulit kasi ang kyut mo pagka humihikbi ka tapos inaamo ka na... heheheh sadista ba? pero wala naman akong masamang intensyon.. cguro lang kahit anong gawin mo kyut ka pa rin para sa akin. para bagang ikaw yung litel sister na ina asam asam ko. kahit na madalas parang ako yung bunso sa ating dalawa.
kung pede ka lang iuwi sa amin papakilala kita sa nanay ko sasabihin ko ikaw na lang ang long lost sister ko gagawin ko.
kaso pano yan? magkakahiwalay na tau.. haaaay.. lagi na lang e. bakit ganun? sabi ko nang yoko ng goodbyes lagi na lang ako natatapat sa ganun...
ayokong gumising at pumasok sa ofis na nde ikaw ang kukulitin ko at papaiyakin ng slight lang naman. ayokong mag ym ng nde naman kita natatanaw jan sa tabi ko. sino pang ate ko? sino pang papatawanin ko? kung nde na kita makakasama? :(
pero gaya ng maraming cliche sa mundo na nde ko mashadong memrize ang exact words.... ganun talga. hehehehe ang ikli no? un lang ang pinaka madaling sabihin pagka wala ka naman ma advise kasi wala ka naman ibang magagawa. ganun talga e.
hindi ako mawawala kung hindi ka magtatago. hindi din ako magbabago kung hindi ka magbabago. isang tawag mo lang dadating ako kahit gano pa kalayo yan. at number one goal ko pa rin ang paiyakin ka kada aasarin kita... pero actually ang number one goal ko lang ay ang makita kang nakangiti palagi.
mwah! ayoko pa rin ng kiss mong me letter "u" sa unahan.
mamimiss kita. promise.

Wednesday, June 01, 2005

siLa...

nasanay na ako sa kung ano meron ang bawat ngiti na natatanaw ko mula sau. minsan, kahit hindi ko alam ang kahulugan, iniisip ko na lang na kung ano yung nakikita ng mga mata ko, yun din ang sinasabi ng puso ko. kung nakangiti ka, masaya na din ako.
pakiramdam ko kagaya lang ako ng mga audience ko kagabi... hanggang tanaw lang.. nakikinig, nagmamasid... at kung masaya ang kantang kasalukuyang inaawit (nax tagalog mashado ito), masaya na din sila. kung malungkot man, wala na din silang magagawa... masarap pa rin naman pakinggan e... at meron silang choice kung gusto pa nilang magstay. pwede naman kasing lumipat na lang ng ibang lugar na mapupuntahan. pero nagstay sila. tinapos kung anong meron. kahit pa nga ba nakamasid lang, nakikinig at animo'y walang silbi pero akala mo lang yun. ang totoo nun, sa mang aawit... laking ginhawa yung me nakaupo sa harapan mo at nakikinig.. kahit anong kanta pa yang inaawit mo.. masaya man o kahit malungkot pa.
so, dito lang ako. malapit o malayo. masaya o malungkot man, tatapusin ko ang kanta mo. at hanggang gusto mo, makikinig lang ako.
"my conscience is hurting my ear but im happy as long as you are. ill hide if i can. i dont care where i stand. as long as you are bent down...
you never said what does it mean. im speaking the same words again. but i will if you have to fold. im here if you want me at all just as long as you are bent down..."