Monday, January 31, 2005

sI sUpErMaN at Si KrYsTallA

hindi ko na madalas nakikita ang smile ni mk. =( so sad. hindi ko kasi sya hinahanap. less silay, less bloopers. pano ba naman pag anjan sya nalilimutan ko kung ano ang left at right ko. hehehehe buti na lang hindi kinakailangan mamili sa left and right pag anjan sya. so in a way, lusot ako. hindi obyus. pero mahirap na. alam mo na. baka bigla magtanong sya diba? manggulat ba. patay, malamang mali ang isasagot ko. hahaha! minsan naman na bre brain freeze ako! wala naman akong iniinom na malamig! at ang kamay ko josko! pati ikaw giginawin sa sobrang lamig nito! so diba tama naman? less silay, less bloopers mas safe.

alam kong
alam mo
kung cno ang tinutukoy ko.
napagtripan mo lang kasing
maging si superman madalas
kaya sige,
hahayaan kita.
tutal,
paminsan minsan
nagiging krystalla ako.


sa papaanong paraan
e sikreto na lang yun
hindi na mahalaga
ang papano, bakit at kailan
na namumuo sa isip mo ngayon.


naisip ko lang
kinailangan kasing
maging superman ka.
me mga bagay bagay na
dapat hanggang doon na lang.
malabo ang simula
at bitin naman ang ending.


sana lang no?
minsan maging si clark ka
at ako magpaka judy ann.
ayus!
kahit kailan
ang social ng dating mo
at jologs pa rin ako.


isa ka sa mga pangarap
na walang katuparan...

i could aim for the moon to land among the stars but wake up having none of it both because that's just it...

a mere dream...


Thursday, January 20, 2005

sentiments103

hindi pwede sa akin ang mga baka sakali, ang mga try lang o subukan natin. yung tipong pag nde pede u still jump with joy, stay fresh! hindi ako ganun. bawal sa akin un. pag sumulong ako sugod eh. taas kamay. tanggap na lang kahit masasaktan in the end. ang tanga no? oo alam ko ang tanga pero shit! ganun talga ako e. nakakainis.
uupo na lang ako sa isang tabi. magbabakasakali na hindi ako mapapansin. tapos iiiyak ko na lang. wishing ang hoping na mawawala rin itong nararamdaman kong "sakit". in awhile, balik uli sa dati. wala lang. sana manhid ka na lang.
minsan tuloy..
huwag na nga. ayoko nang manghinayang. kahit saglit nakita ko ulit na pede pang magkakulay ang langit ko. kahit madalas hiram lang ito.


hindi lang talga palaging bughaw ang langit...


lalo na sa lugar na kinatatayuan ko ngayon... =(


Wednesday, January 19, 2005

cliche =)

its nice to think about
how ud look like
with the sun lightly
touching ur face,
the wind
kissing you hair,
and ur smile..
as if painted,
picture perfect.
across from where
i will be.


standing
simply amazed
at how
everything seem to be
just as it should be.


wouldnt it be nice
to just stare at you?
and
you wont mind if i do.


its just that
ive come across
so many faces before
and the sight of you
takes my breath away.
as cliche as it may sound
that's just how i feel
whenever ur near.


its not even weird
that after awhile
i smile
for no reason whatsoever
after seeing you
from across here...

Monday, January 17, 2005

tula104

i want to stay here
where i am
and dream of
happy endings,
chocolates,
and sweet nothings
like now and always.


i want to stay here
ur hand in mine,
ur softest touch meant for me,
souls singing,
gently,
reaching forever's end.


and yet
i know
that where i am
does not belong to me.
and whatever
it is i have in my heart
are mere dreams
that will never be a reality.


still...
i want to stay here
and dream
that somehow things CAN be...
for forever's sake.
for the sweetness of dreams.
and that once in a lifetime smile.

Thursday, January 13, 2005

sa Mga lOkAgIrLs + 1

halika nga dito. hug nga kita. thank you ha! pagka matigas na ang ulo ko anjan ka para sabihin sa kin ng paulit ulit gang sa makulitan na ako. pagka naman naiiyak na ako... d ko na kelangang sabihin pa. alam ko maya maya lang anjan ka na sa tabi ko, patatahanin mo na ako sa kahit ano pang paraan.
sabi mo miss mo na ang ngiti ko. ako rin e miss ko na! nyahahahaha! abnoy ko no? nagsmile naman ako ah. lalo pa ngaun e alam ko na love mo ako.
sa mga hart to hart text natin na paulit ulit, salamat.
sa mga sabihan ng kras kofi sesyon natin, salamat.
sa mga konperens na walang sense everyday, salamat.
for wishing na sana i can smile inspite of... thank you.
sa pag aalala.
sa pag dedma sa kanya kasi inis ka hehehehe.
sa pag dedma sa akin kasi kulit ko.
sa pagpapatawa sa kin at lagi na lang nawawala ang tao sa paligid.
mwah!
thank you!
buti na lang naging kaibigan ko kayo.
panalo na bawat araw
kahit na hindi ngingiti si mk sa akin.

Wednesday, January 12, 2005

pahiram lang ha...

gawa ng friend ko...
galing no?

isang ngiti lang...ayos na...

isang ngiti lang
sige na
para sa kaibigan ko
nakasimangot kasi
kahit na anong gawin
ganun pa din
di ko na alam kung pano
alam ko ikaw lang naman e
ikaw lang ang magpapangiti
ikaw ang magpapasaya
kaya sige na
please naman
ngiti na
para araw nya ay maganda

sa umaga, ikaw lang naman e
lagi nyang hinahanap
para sumaya
inggit ba ako
di naman
gusto ko lang masaya sya
kaya sige na
please lang, ngiti na



salamat po. sorry na din. =(

Friday, January 07, 2005

boring ba kamo????

sobrang wala akong magawa, nagblog tuloy ako. ayoko kasing nakatitig lang ng basta sa monitor ko. mashado naman akong mukang tanga nun. walang ginagawa, nakapangalong baba, nakatitig sa monitor. un lang. ang boring diba? sana me ibang event sa life. sana makita ko si superman at si batman sa kofee bean mamaya. o kahit si krystalla na lang sa may gloria jeans. kahit ano basta me bago lang. nde yung parati na lang ganito... walang ibang maisip, walang ibang magawa, walang ibang maisulat sa blog. paulit ulit na lang.
*******************
minsan hindi naman nya kasalanan kung bakit ako nagkakaganito e. nagpapakatotoo lang naman sya. e anong magagawa natin? sadyang ganun sya?
hindi din naman lahat ng ngiti ko'y may kinukubling lungkot. minsan, genuine naman yun no. talgang masaya ako. un lang madalas, nde nagtatagal. fleeting kumbaga pabugso bugso lang. at least, me tunay diba? sa panahon ngaun, minsan pede na rin siguro yun.
kung maiinis ka, sa akin na lang wag na sa kanya. ako ang matigas ang ulo nde sya.
*******************
pasaway ako today. hayan tuloy, kelangan kong magtago sa cubicle ko. ikaw nang magcurdorouy sa ofis!!! e sinabihan ka ng bawal itech! :p hehehe wala lang. trips lang.
wala na talga akong magawa. pati paghikab ko binibilang at pinagmamasdan ko sa maliit kong salamin. hahahaha...
sige na nga... magpapanggap na ako ulit.

Thursday, January 06, 2005

pAra sA pAbOriTO kOng AngHel...

haaay. malungkot sya alam ko. ayaw pa ako kausapin. natatakot din sya. obyus. basa ko sa mga mata nya. kung pede lang pagaanin lahat ng nararamdaman mo gagawin ko. kung pede lang ako na lang ang nasa lugar mo, ilang beses kong hihilingin. kaso kelan ba naman naging pede yung ganun? nakakainis nga e. madalas wala ka na lang magawa. pang nangyari na, sorry ka na lang. wala ng bawian.
kasi naman e kung bakit minsan ang hirap mong makaintindi. sana nga minsan pede ko sabihin lahat lahat sayo ng hindi ka masasaktan. kaso kelangan hindi ganun. kelangan kahit papano hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi mashadong masakit. dapat ngayon, lagi ka na lang nakangiti. ayokong matamlay ka. ayokong walang buhay ang mga magaganda mong mata. ayokong nahihirapan ka. kung bakit kasi pag mga ganitong panahon wala ako magawa.
sorry na, nag inarte ako. babawi na lang ako mamaya. hayaan mo nang ako na lang wag lang ikaw. tutal kaya ko naman e. ikaw alam ko hindi mo na kaya. kaya ako na lang.

Wednesday, January 05, 2005

gusto ko lang kasi...

ngiti.
hayan nakangiti ka nanaman.
bawal yan.
hindi para sayo yun.
asa ka!


wala lang.
ngiti pa rin.
sinabi nang wag na e.
ano ba?
nde ba sabi ko sayo,
hindi para sayo un?

mapipigilan ba yun?
pagka masaya ka
ngingiti ka diba?
maiisip mo pa ba kung
tama o mali?
kung pede o nde?


wala naman masama sa pag ngiti.
wala naman
nasasaktan,
pagka ngumingiti ka.
ganda nga ng paligid e.
ang gaan gaan pa ng feeling.


un lang
parang nagiging mali
pagka nawawala na
ang mga tao sa paligid mo...


pero kahit na.
ngingiti pa rin ako.


hindi ko na lang
ipapaalam sayo
pag minsan
na hindi ko na kaya...


basta ang importante,
alam mo na
ngayon
nakangiti ako...

Tuesday, January 04, 2005

untitled101

if i could, i'd shower the whole world with love if only i had so much, i'd give it all away. but as it is that i have been so down lately, what else can you expect from someone like me but mere wishes, less hope, bitter comments?
i dont know.
if i could, if i may, i'll tell them just how i feel... every fear, every pain, every doubt, every wishes, every longing, every love i ever felt. i would, really, if only i could then i'd stand up in front of them. declare whatever it is i had in mind.
but i can't.
dont ask me why.
i simply can't.
the best i ever did so far was to keep quiet and write. when i try to speak, i hurt. and i know, i feel that i hurt them too in a way. sometimes, its best that they don't know.

Monday, January 03, 2005

love story ito....

sikret lang natin ito ha? wala akong ginagawa ngaun sa trabaho ko. well, lagi naman e. eversince the world began ata. haay, ilang unang araw ng taon at ang dami kong iniiwasan... gusto sanang iwasan pero nde ko magawa. mali. ayaw kong gawin. bakit kamo? matigas ulo ko e. alam ko nang un ang dapat hindi ko pa rin ginagawa. palagi kasi kung san ako masaya suportahan taka ko ang aking sarili... hehehehe kahit pa nga ba minsan iniiwanan na ako sa ere ng ilang tao jan sa tabi tabi. joke lang. walang nang iiwan sa akin. kahit anong gawin kong kagagahan at kalokohan, anjan sila... handang bumatok, handang handang pagalitan ako at sabihin na "sabi na sayo e..."
oo nga eh. sabi ko nga din eh. matigas lang talga kasi ang ulo ko. minsan kasi hindi mo na namamalayan. madalas nagpapadala ka sa sayang nararamdaman mo. sa papaanong paraan mo ba kasi kayang iwasan ang isang bagay na nagpapasaya sayo? kelan pa naging madali ang lahat? wala naman madali e. lahat me catch. lahat me kapalit. lahat me consequences. so kung masaya ka ngayon kahit nde tama... dapat handa kang masaktan pagkatapos kasi yun ang "madalas" na outcome. sorry, reality sucks. too many times proven, haven't thought of otherwise. gaya ng palagi kong sinasabi.. haven't been in a rollercoaster ride... haven't felt being loved all the way up to the moon and back. so minsan pagka "parang anjan na" kumakapit na ako. bad trait ko kasi talga e. naiinip na talga ako.
kailan ba ako mananawa? kailan ba ako pipirmi na lang? kailan ba ako matututo? diba kaya paulit ulit kasi matigas nga ang ulo ko? alam mo minsan naisulat ko, kung kelangang masaktan pa ako ng paulit ulit bago ko pa man din sya makilala... wag na lang kaya. wag ko na lang sya makilala. dun na lang sya kung nasan man sya at dito na lang ako kung san man ito... nakakapagod na talga e...
diba minsan pag sobra na, ayaw mo na? yung tipong sana huwag na maulit? kung pede lang maging manhid... kung alam ko lang kung pano, ginawa ko na. kaso tao lang eh...
madalas, sorry talga sa sarili ko. lagi ko na lang nilalagay ang sarili ko sa mga d kanais nais na sitwasyon na ako lang ang me alam. so malamang kaya kong lusutan pero hindi ko ginagawa. hinahayaan ko lang.
so sana... kahit minsan lang din me magawa akong maganda para sa sarili ko. minsan sana kaya kong ngumiti at hindi na kita kailanganin pa.
gaya ngayon. sana kaya kong lumakad palayo ng hindi mo namamalayan. kung sabagay, kahit naman anjan na ako sa tabi mo hindi mo pa rin alam.
oo nga. sabi ko nga. tigas talga ng ulo ko....