Thursday, February 24, 2005

wAla iToNg tiTLe....

alam mo ba na ang weird. minsan kasi sobrang pag iisip mo ang nagiging dating na nito, nde ka nag iisip. kagaya kanina. sobrang pag iisip ko lumagpas ako sa dapat kong babaan. ang layo tuloy ng nilakad ko. me nakita pa akong nde mashadong kanais nais. napaisip nanaman tuloy ako. sabi kasi nila lahat ng nangyayari sau me dahilan e. so bakit ko kaya nakita yung mokong na yun? haaay, nakakatamad isipin. sayang effort. wala naman kasi atang valid reason e. nagtrip lang uli ang tadhana. lam mo na. pampadagdag bad trip lang sa araw mo. para masaya.
nang away ako kagabi. nagsori naman ako e. kaso baka nde pa counted yung sori na un. malabo kausap yun e.
gusto ko bukas nasa cebu ako. o kaya sa davao o kahit saan na hindi ko pa nalalakaran before. yung wala pa akong kakilala. wala pa kong nakakausap na iba. diba pagka ganun pede kang magsimula ulit? tapos pede kang magpanggap ng iba sa nakasanayan mo. pedeng pede mo silang mapaniwala na ikaw ang isang taong nde naman talga ikaw. pede kang magpanggap na wala ka pang nasasaktan, wala ka pang kinukulit, wala ka pang binibigyan ng sakit ng ulo. parang ang saya kasi pagka iniisip ko e. sana pede yun...
kaso imposibleng mapunta ako dun bukas. alam ko pag gising ko andito pa rin ako. ako pa rin ako. wala ng ibang sira ulo ang magpapanggap pang maging ako. bakit pa? kung ako nga ayaw ko na e, yung iba pa kaya?
sensya na. hindi maganda ang bungad ng umaga sa akin. wala ako sa mood kahit na alam ko pag tinignan mo ako hindi naman obyus. muka yata akong laging masaya? weird. 2 lang yun e. writer talga ako or nagpapaka artista. hmmm... sige na nga. wala na lang pareho.

senti nanaman

shet. namimiss ko sya.kung pede lang lokohin ang sarili, hindi na ko magsusulat dito. kaso eto ka nagbabasa na ng blog ko. e ano pa nga ba itech? oo! miss missan nanaman. katigasan ng ulo. kakulitan ng damdaming wala namang future!
at ayoko nang mag apologize sa nararamdaman ko o sa ugali kong saksakan ng walang kapaliwanagan. huwag mo na ring piliting intindihin. d kaya ng powers mo.
simple lang talga ang purpose nito. namimiss ko lang talga sya.
nakakalungkot kasi hindi ko dapat nararamdaman ito. pero nararamdaman ko pa rin. yun ang nakakabad trip e. alam mo kaso wala kang magawa.

Tuesday, February 22, 2005

under the stArs and mOOn.. sa lAbas ng Rockwell mall

kagabi alam mo, kasama ko si solmeyt. nagpasama kasi akong magpagupit sa kanya e. sa isang parlor kami pumunta. kasi ayoko dun sa dati e. feeling ko nde ako ginugupitan ni alex maige e. malamang! trim lang naman pinapagawa ko e! hehehe ang hirap kong iplease no? so dun kami sa isa. ang pangalan ng parlor e rakwel parlor! ayus no? very descriptive. so ayun. wala pang five minutes tapos na ako. tsk tsk tsk ewan ko ba kung ano na ginawa nya sa buhok ko. bahala na. isang diretso lang ginawa nya. sana sa nanay ko na lang ako nagpagupit. libre pa.
so ayun. ayoko pa umuwi e. so niyaya ko sya. nag ikot ikot kami sa labas ng rockwell mall. paikot ikot sa labs ng mall. walang ibang ginawa kungdi mag wentuhan lang. nakita pa nga namin ang kras nya e. sa me tabi ng starbucks. ang guwapo nga. so ayun. mga tatlong beses kaming dumaan dun. tapos, habang naglalakad kami sa labas ng mall. nagkwento sya tungkol sa mga matatandang nilalang sa buhay namin. naiyak nga sya e. tapos parehas kaming naiinis. nalulungkot kasi nakikita namin na yung mga taong importante sa aming dalawa e hindi na marunong magsabi ng i love you sa isat isa. hindi na sila magkaintindihan. d nga namin malaman kung dahil ba ito sa kadahilanang binge na sila o mejo slow na mag isip? hay, mahirap nang magpaintindi. wala kaming magawa.
sabi nya ayaw nyang tumandang ganun. ayaw nya mangyari sa kanya yun. sabi ko lang ako din. naisip ko, sana lagi kong kayang sabihin at ipakita sa mga taong mahal ko na mahal ko sila.
sabi nya ayaw nyang tumandang ganun. na akala mo kuntento ka na sa buhay tapos me isang taong darating, guguluhin nya yung thought na yun tapos hayun. wala ka na magawa. hindi na kau magkaintindihan. hindi mo na masabi ng klaro na mahal mo sya. hindi ka na rin nya pinakikinggan. so sad.
pagkatapos nun. sabi nya manlibre ako ng ice cream. 12 pesos lang daw sa rustans. so sabi ko tara. pagdating dun ayus! 10pesos lang! so bumili kami. tig dalawa kami! hahahaha! ang takaw no? dalawang kofi krumble ang sa akin. fav ko kasi un e. sya naman. isang rocky road at isang kofi krumble. tapos nagpunta kami sa fountain sa tapat ng fully booked. kinain namin ung ice cream habang walang katapusang kwentuhan nanaman. ako naman ang nagwento.
kinuwento ko na mejo ang sad ang araw ko. kasi me mga frens akong sad. nasad din sya para sa akin. saka para sa mga frens ko na nakilala nya lang dahil sa mga kwento ko. pati sya kinuwento ko. sabi pa nga nya... "wala akong K magtampo. i owe him respect kasi he's different." tsk tsk tsk yoko pa nga tanggapin nung una e. kasi sabi ko sa kanya wag ganun. magiging mabait ang labas nya nun e! hehehehe sabi nya lang e sa yun ang totoo e anong magagawa mo? so sad. and yet so fine! so as usual, tama sya. hay, kulit ko talga.
pero kahit sad ang araw ko. unti unti nawawala na. ramdam ko kasi me kasama ako. na ok lang na nde naging ok ang araw ko kasi ganun talga. importante, nde pa kami kagaya nung iba na d na madunong magsabi ng i love you. tapos madunong pa pala kaming mangarap.
dream namin alam mo... someday magdidinner kami sa isang hotel. ung wala lang. nde na kami mashadong maglalakad sa labas lang ng mall kasi parehas kaming walang pera. at nde na lang dalawang ice cream ang pagsasaluhan naming dalawa. =)
dagdag mo pa dun ang dream na darating din ang "the ONE". hehehe if there is such a person.
ang nakakatuwa lalo ke solmeyt alam mo? she never stops dreaming and hoping what's best for me. wala lang.

tapos... naisip ko din. kahit hindi ako mashadong friendly at kahit hindi ako madalas invited sa lahat ng happenings sa pali paligid ko, at least merong solmeyt. =) pede kong yayain pag magpapagupit ako. at gusto kong maglakad lakad ng wala lang. under the stars and moon. sa labas ng rockwell mall. kahit pa me bomb threat.

nagkuwento lang ako. for a change.

Monday, February 21, 2005

SigUro, ito MismO ang IbIg MonG sAbIhiN.... ~Para sa akin~

bakit ka ba kasi naaapektuhan? e diba sabi mo wala lang naman yan?! e bakit ngaun nagmumukmok ka? nagpapatay ng ilaw, nakikinig ng mga senti na awitin, sabay titig sa kawalan?!! kung d ba naman senyales na yan ng malapit mo ng pagkabaliw ewan ko na lang! e plis naman, girl! wag na kasi! hindi mo naman dapat hinahayaang magkaganyan ka e. lahat ng kasabihan sa mundo totoo. lahat ng cliches masarap pakinggan kasi totoo din un. so kahit sandamakmak man ang sabihin ko sau dito walang silbi un kung.... kung ano nga ba? natigilan ako dun. hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para sau. hindi ko na alam kung anong joke pa ang magpapangiti sau. hindi ko na alam kung sinong komedyante pa ang papakilala ko sau. o kung sinong anghel o superhero o magikero ang kailangan para sumaya ka.
ay sya, my gosh sya nanaman?!?! hindi ko sya kayang bilhin dear! hindi ko din sya kayang i hypnotize at kahit pa kidnap natin sya walang sense. kasi... kasi.... ganun talga e. hayan! hayan ang pinaka me sense kong advice sau. ganun talga! galing no? me sense ba? meron diba? kasi, ganun talga e. pag wala ka nang ibang magawa, wala ka nang ibang masabi at wala ng ibang solusyon, isipin mo na lang kasi ganun talga. hindi mo kasalanan, hindi nya kasalanan, lalong hindi ko din kasalanan basta ganun lang talga.
kaya plis, smile naman na jan. ang panget mo na kasi e! hindi ko na makayanang kasama kang ganyan. ayoko sa baliw! :p
pero, sige na nga. kahit na, dito lang ako. pag baliw ka na at nagbibilang na ng lamok sa isang sulok text mo ko. sasamahan kita. walang iwanan.

kunwari, ako ikaw.... ~PaRa sA IsAng KAibiGaN~

im trapped in a world i created for myself. im stuck between wanting and longing for something to end then wishing and hoping that somehow everything will find its place at the right time and the exact moment i needed them to be. im so tired of being in the wrong place with the wrong person with the wrong feelings, hoping against hope that somehow it will all end someday. im tired of waiting for that someday. i want to find a place for myself. somewhere peaceful where it wouldn't hurt to smile because then i would truly be happy. i want the world to know i am free because i am and i can love whoever i choose to, be with him night and day, stay in his arms every minute. more than anything else i want to be happy, want so much for every wish to come true, every dream to be a reality, every smile to be real. but i know, i know, all the same i still am. i keep on doing what i do best that no one in his right mind would understand. but i do understand them. its just that when im all by myself and i needed someone to just be there and know, sometimes i wish there'd be that someone who will. and no matter how many times i tell that person that i know, i know but still i love, he'll stay. but who in his right mind would?
i know i know i dont make sense. this is crap.

Wednesday, February 16, 2005

isang tulang wAlang tUgMa

bakit iisa lang ang hahanapin?
kung pede namang marami muna sila diba?
habang wala ka pa,
pwede namang
yung ilan lang muna
ang maging dahilan
ng bawat ngiti
at bawat pangarap.


matagal ko nang alam.
matagal ko nang naririnig.
matagal mo nang sinasabi.
matagal na kong bingi :D
matagal ko nang ramdam
un lang matagal na rin akong pasaway.


kaya para sa inyo
isang tulang walang tugma.
isang ngiting bihira
mong makita..
isang pasasalamat,
at maraming hiling
na sana
hindi magsawa,
wag munang mawawala.


mabigyan man lang ako
ng pagkakataon
makabawisa lahat ng panahong
naging pasaway ako.

special day ko ngaun! :)

at masaya ako.

Monday, February 14, 2005

eXaM?!!

eto na ang exam ko. ipapasa ko ba ito o hindi? masasagutan ko kaya ang lahat ng tanong o me mga maiiwanang blanko? hindi ko alam. sa totoo lang hindi ko alam. wala naman kasing subject para dito e. alam ko lang ngaun ang umpisa ng midterms ko. hindi ako mashadong nakapag aral. mashado kasi akong bc sa "hindi pag iisip" ng mga bagay bagay na nagpapawindang sa akin. kinabahan tuloy ako. sana maipasa ko ang exam sa araw na ito. sana kahit pasang awa lang ok na sa akin yun. at least its a start. d kagaya dati, palagi na lang akong bagsak.
huy! pakopya naman! pwede ba?

Friday, February 11, 2005

My wIshEs fOr yOu

id like to give the world to you or at least whatever i have. and ask the stars to grant all your wishes to be able to see your smile. i wish for you courage to be able to speak and tell the world that you're in love. i wish for the world much kindness and understanding for them to realize that nothing else in the world matters but to be who you are meant to be so that they can reach out to you and you could reach out to them. only then will you be truly happy. you'll be who you'll want to be and you'll love who you needed the most. you wouldn't have to hide.
i wish for you forever love with someone you hold dear in your heart. in her arms, may you find everything you've been looking for. may you never need to cry. but if you do i wish for you warmth and comfort to ease all your pain. know that somewhere, some place in time and that in a heart beat, i am here. it may not be for always but at least for a moment, i wish for you everything i could ever hope for because in you i find eveything i wish i could have. so much so that i never stopped to realize it was not meant to be until it was too late.
sometimes someone's got to give what she ought to give best. i think this is the best i can do. its a shame that distance have to matter and that my heart would have to live with the thought that you will never be near me. ever.

kAntang me tULa...

nakakalumbay ang isang kantang pinapakinggan ko ngaun. maganda ang tono nya. perfect ang lyrics. kaso kakasad ang lyrics. na irerelate ko sa totoong buhay.
gusto ko kantahin hindi ko makanta. hindi kasi para sa akin e. hindi bagay sa akin, ata. pero maganda kapag iba ang kumakanta. parang gusto ko ako na lang sana ang kumanta nun. kaso scary... baka pumanget ang kanta pagka ako na ang kumanta nito. sayang naman. ang ganda pa naman nya.
napapalungkot nga lang nya ako.
pero promise, magagandahan ka sa kanya. =)



*****************


take me to
where ever
when ever
anywhere
but please not here.


i want to be
some place else
away from my thoughts.
away from what i feel
away from whatever
keeps u near.
********************

Thursday, February 10, 2005

uNtiL

a thousand goodbyes
until forever
maybe that's how it is
before i meet you.
and i will shed a bucket of tears
before finally
holding your hand.
and yet
i dream of a night
with only your face to look at.
and i smile
once in awhile....



Between crying
and wishing,
i find time to think
about
how it would be
when
youre with me...



until now and forever meet.
until then
i have yet to find
another reason
not to cry...

Wednesday, February 09, 2005

oF wOrdS aND sONgs...

id like to make you smile using my words, make you picture the good things i see in you and never wonder how such things could be possible. id like to sing to you for always and know that the moment i stop creating words will be the time i start making my music. id like to make u smile by my music. if i could, i would and never doubt for a single moment that such precious times could happen. that you can happen.
but as always, with all wishes, comes that tiny twinge of doubt. would i ever?
would i ever see you smile because i have been brave enough to be me? and learn in the end that the music that i will make soothes you? and that it will no longer bother you if i create words that doesn't make sense?
and with doubt comes fear, of all the things that could and never would happen because i simply stop believing. how sad it will be the moment i have run out of words to say. even heartbreaking when finally i'll find no meaning in all the songs i'll sing.
so how does these things end? does it ever have an ending?

Tuesday, February 08, 2005

sentiments104

sabi ni friend, one day at a time. pwede, kung alam mo lang sana kung san mo talga gusto pumunta. pero kung halimbawang, sa kinatatayuan mo pa lang e nawawala ka na. at kahit anong sigaw ng kasama mo e nde mo marinig kung san ang tamang daan... tsk tsk tsk malabo ang one day at a time. hindi ko alam hanggan kelan aabutin.
nawawala na ako. hindi ko na maisalin sa salita ang lahat lahat ng gusto kong sabihin, ang lahat lahat ng nararamdaman ko. madalas d ko na magets talaga. oo alam ko. nde ko naman kelangan mag explain sa kahit kanino e. pero pano kung kelangan kong mag explain sa sarili ko pero kahit yun nahihirapan ako? psycho na ba ako nun? slight no? oo na sya wag ka na magreact. kausap ko sarili ko dito. kumbaga audience ka lang. so walang pakialamanan.
nahihirapan akong magpanggap na ok lang ako. nahihirapan akong ngumiti pero naiiyak naman pala ako. pag minsan bakit kasi kelangan mo pang magpanggap na ok ka lang? para lang huwag silang mawirduhan sayo. para lang, matanggap ka pa rin nila. para lang kahit sandali, samahan ka nila. bakit ba kasi nakakatakot ang mga taong naglulungkot lungkotan? nakakahawa ata talga un e. tamo na. malungkot ka na diba? hinde ren. sabi ko lang yun. imahinasyon mo lang na nalungkot ka sa blog na ito.
melodramatic lang talga ako.
nasobrahan lang ulit malamang sa kapapanood ng mga telenobela sa gabi. sabi na krystalla na lang for life e. komedi kasi talga yun. sabi na lang nila na pantaserye. ikaw nang makakita ng superhero na tumatakbo e pede namang lumipad diba? nakakatawa naman talga yun e. wala lang. wala lang...
i see you out there
always smiling.
im glad you're happy.
im at peace knowing
there's someone out there
who can make your skies blue
forever.
i see you
from here
and i miss you.
i can't take away this longing
that somehow
even for awhile
i could be
that someone
who'll paint your skies
a different color to look at each day..
even for just a while,
even if its not forever.
ill take that chance
cherish it like no other
and smile...
that once in a lifetime smile...
because then id know
that dreams do come true
if not for always
then at least
sometimes...
*******************
trips ko lyrics nito. wish ko lang alam ko tono. dbale. bday gift ko sa sarili ko cd nito. makakanta ko rin ito.. for the meantime.. lyrics na nga lang muna.
241 (My Favorite SOng)
I want to live forever
Inside the nights and days.
Wishing on a silver cloud,
Crawling across the moonbeams.
A summer night in heaven
Between the stars and waves.
Race across the old bonfire;
Trample on my heartbeat
I wanted to turn you on
My favorite song.
Wanted to be near you
But somebody owns you now.
i love you with a fire,
Ablazing till times end
But what good is a heart
When it shudders to speak.
I guess it's too late now.
I wanted to turn you on
My favorite song.
Wanted to be near you
But (of course) somebody owns you now.
(And) I tried to live somehow
Somebody owns you now' (Repeat 2x)
Somebody owns you now

Tuesday, February 01, 2005

tula105

nakita kita =)
hindi mo alam
nasilayan na kita.
at sa lahat ng pedeng
masilayan sa mundo
kataka taka bang
ikaw lang
ang tanging
nagpapangiti sa akin
ng ganito.


kahit ngayon,
mag isa ako dito.
ipikit ko lang mga mata ko
nakikita na ulit kita.
at ang mga mata mo.
ang ang ngiti mo.
at ang mga kamay mo.


nakita kita.
wala lang.
ang saya! =)